^

Probinsiya

2 binatilyo nalunod, natagpuan sa ilog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 binatilyo nalunod, natagpuan sa ilog
Isinakay ng mga residente ng Barangay Calizon sa Calumpit, Bulacan ang isang bangkay patungong kapilya habang binabagtas nila ang baha dulot nang malalakas na pag-ulan ng habagat nitong Miyerkules.
Michael Varcas

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nare­kober na ang dalawang katawan ng lalaki na isang 17-anyos at 13-anyos na pinaniniwalaang nalunod noong August 10 sa kasagsagan nang malakas na ulan dulot ng bagyo at habagat.

Unang natagpuan ang bangkay ng 17-anyos na lalaki na nakalutang sa Kaybanban river sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa.

Nasa advance stage of decomposition na ang katawan ng binatilyo nang matagpuan ng mga rescuer.

Sa bayan naman ng Marilao natagpuan ang katawan ng isang 13-anyos na lalaki. Gaya nang naunang nalunod, nasa decomposition stage na rin ang katawan ng batang lalaki nang matagpuan sa Sapang Tabon river sa Brgy. Nagbalon, Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon sa report, nakatawid ang isa sa kanyang mga kasama sa ilog, ngunit hindi nakasama ang biktima na umano’y inanod nang malakas na agos ng tubig.

Tumanggi ang pamilya na isailalim ang mga ito sa pagsusuri ng Bulacan Forensic Unit.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with