^

Police Metro

Bong Revilla kulong na sa Quezon City Jail

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Bong Revilla kulong na sa Quezon City Jail
Dumating kahapon sa Sandiganbayan si dating senador Bong Revilla mula sa Camp Crame para isyuhan ng commitment order sa mga kaso ng malversation ng public funds sa pamamagitan ng falsification of public documents.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ikinulong na kahapon si dating Senador Ramon “Bong “Revilla Jr. sa Quezon City Jail Male dormitory sa Brgy. Payatas, Quezon City, kasunod nang kautusan ng Sandiganbayan Special Third Division kasama ang anim pang akusadong dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st Engineering Office kaugnay ng umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Si Revilla ay kusang loob na sumuko sa CIDG nang ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya at pagkatapos ay humarap sa Sandiganbayan Third Division para sa pagproseso ng kanyang commitment order at booking.

Si Revilla at anim na iba pa ay nahaharap sa kasong graft and malversation of public funds sa 4th at 3rd Division ng Sandiganbayan.

Bago ito ay naghain ng P90,000 piyansa si Revilla sa kaso nitong graft sa Sandiganbayan habang wala namang itinakdang piyansa ang anti-graft court sa kaso nitong malversation of public funds kaugnay ng pamemeke ng public documents.

Sinabi ni Sandiganbayan Special Third Division Chairperson and Associate Justice Karl Miranda na ang desisyon ay base sa liham ni PNP Acting Chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na binalaan ang anti-graft court sa pagpapakulong ng mga PDLs (Persons Deprieved of Liberty) sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ang pagkukulong ni Revilla sa QC Jail ay pansamantala lamang matapos magmosyon ang mga abonado nito na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ito ipiit at nakatakdang dinggin ang mosyon sa darating na Biyernes.

BONG REVILLA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with