^

Pang Movies

KC, wa pa ring paki sa post ni Sharon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nangialam na naman ang ilang netizens sa post ni KC Concepcion sa food na hindi naman natin alam kung kanyang kakainin lahat o basta pinost lang. Ang sarap naman kasi ng food, lalo na ‘yung sa huli na paella yata. ‘Yung tipo ng food na kahit nagda-diet ka, mapapakain ka talaga.

Comment ng netizen, paano raw ito liliit kung ‘yun ang kakainin niya? Nang i-call ang attention, ang sabi, concern lang siya. Kahit may nag-comment na sigurado namang hindi lang si KC ang kakain ng food na nakahain, hindi pa rin nito binawi ang kanyang comment.

Nakatikim tuloy ito ng mga comment gaya ng wala siyang pakialam dahil hindi siya ang nagpapakain kay KC. May nagsabi pang sana hindi gaya niya na rude, walang manners, at bastos ang kanyang mga anak o apo. May tumawag pa sa kanyang Filipino Karen at may utak na kopong-kopong.

Hindi nito dinelete ang rude comment na ‘yun at nasanay na rin yata ito sa body shammers. Natabunan din naman ang negative comment ng positive comment na totoo naman, na kahit okrayin man nang paulit-ulit ang body niya, hindi pa rin maikakailang maganda siya, popular at mayaman.

Samantala, wala pang comment si KC sa post ng mom niyang si Sharon Cuneta ng photo nilang magkakapatid na sina Frankie at Miel Pangilinan. Old picture ‘yun, pero ang caption na “I have three beautiful girls. Always in my heart,” ay nagpasaya sa fans at nagmamahal kina KC, Sharon at Pangilinan family.

Caldereta ni Julia, dinamay sa galit kay Kyline!

Ang sweet naman ni Julia Montes dahil nilutuan ng caldereta si Carmina Villarroel and of course, nakakain din ang pamilya ni Carmina sa padalang food nito. Via video ipinarating ng Kapuso aktres ang pasasalamat sa Kapamilya aktres sa food na kanyang ipinadala.

Sabi ni Carmina, “Happy tummy! You’ll know that im (emoticon ng happy) if i do the happy dance while eating. Thank you my little sis ko @montesjulia08 for cooking caldereta for me. Fav! Ang sarap promise! I miss and I love you always.” Sumagot si Julia ng “Love you ate!!!”

Samantala, may nagparating kay Carmina na nabasa ang name niya na ni-like niya ang post ni Kyline Alcantara about her two dogs. Halatang galit kay Kyline ang fan sa comment na “May ni-like ka pong ig post dun sa ex ni Mavy na pa-victim at retokada Ms @mina_villarroel... just recently dated May 13 or 14 ata ‘yun.” Hindi sinagot ni Carmina ang comment dahil imagine kung sumagot siya either good or bad, malaking isyu tiyak.

After ng pagla-like niya sa post ni Kyline, in-unfollow ni Kyline sa IG si Carmina, Mavy, at Zoren Legaspi. May mga pabor sa ginawa nito, meron ding hindi pabor, sana raw hinayaan na lang niyang naka-follow ang ex at pamilya nito sa kanya.

Anyway, may bagong award na naman ang Abot-Kamay na Pangarap na kinabibilangan ni Carmina. Nanalo itong Best Series of the Year sa 5th VP Choice Awards. Dahil sa mga award na natatanggap, baka ma-extend uli ang hit afternoon prime na ang sabi, up to June pa ang extension.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with