^

PM Sports

Blackwater umiskor ng panalo sa Phoenix

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Blackwater umiskor ng panalo sa Phoenix
Troy Rosario (right).
PBA Images

MANILA, Philippines — Dinagit ng Blackwater ang Phoenix, 102-83, upang mawakasan ang seven-game losing skid nito at makapagbaon ng magandang panalo sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagpakawala ng 37-14 ratsada sa fourth quarter ang Bossing upang burahin ang 65-69 deficit at magtapos nang maganda sa torneo sa 4-7 kartada.

Umarangkada sa makasaysayang 3-0 start ang Blackwater bago lumasap ng pitong sunod na pagkatalo upang malaglag sa kontensyon ng All-Filipino Conference.

Anim na players ang nagtulung-tulong sa pag-iskor ng double digits sa balanseng opensa ng Bos­sing sa pangunguna ng career-high na 19 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals ni Jaydee Tungcab.

Humakot naman ng 17 puntos, 14 rebounds at 3 assists si Troy Rosario, may 16 puntos si Rey Nambatac habang nag-ambag ng tig-11 sina RK Ilagan at Bradwyn Guinto.

Kinumpleto ni Richard Escoto na may 10 puntos ang double digit scorers para sa Blackwater na papasok sa off-season dala ang pag-asang makapagpalakas pa dahil sa No. 2 pick sa paparating na PBA Rookie Draft.

Duwelo ito ng parehong laglag na sa playoffs subalit naging dikdikan ang sagupaan tampok ang maagang alagwa ng Blackwater, 18-11, bago bumalikwas sa second quarter ang Phoenix, 25-12, para makapagtayo ng 36-30 abante sa first half.

Kontrolado pa rin ng Fuel Masters ang laban sa third quarter hawak ang apat na puntos na bentahe papasok sa huling yugto, kung saan na sila tinambakan ng 23 puntos ng Blackwater para sa 19-point win.

Tanging sina Jason Perkins at Jayjay Alejandro na may 22 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, lang ang nakapagpasiklab para sa Fuel Masters na nagtapos sa 3-8 kartada.

vuukle comment

BLACKWATER

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with