^

True Confessions

Dioscora (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tama ang kutob ni JC na pag-iinitan siya ng terror na professor nila. Nang sumunod na session nila, siya ang unang tinawag para sa recitation. Mahirap ang tanong na para bang pi­nag-isipang mabuti para hindi agad masagot ng estudyante.

Pero dahil nag-aral na maburi si JC, nasagot niya nang walang gatol ang tanong ng professor. Eksaktong ang tanong ay nanggaling sa textbooks na na halos magdamag niyang binasa at namemorya.

Matapos niyang masa­got ang tanong ay napa­nganga ang professor. Hindi makapaniwala na masasagot ni JC nang sakto ang tanong.

Naupo si JC at halos lahat ng mga mata ng kaklase niya—kabilang si Angel ay nakatingin sa kanya. Sa tingin ay humahanga sa kanya dahil sa pagkakasagot sa tanong ng terror na prof.

Nang matapos ang klase nila sa terror na propesor ay lumabas na ito ng room, maraming nag-congratulate sa kanyang kaklase.

“Napahiya na naman si Kalbo, JC!’’ sabi ng isang classmate niyang lalaki at saka nagtawa.’’

“Oo nga JC, naipahiya mo naman si terror kalbo,’’ sabi ng isa pa at nagta­wanan.

“Pero hindi ka tatantanana nun. Baka sa sunod, tanungin ka uli,’ sabi naman ng isa pa.

“E di mag-aaral uli si JC. Di ba JC?” tanong ni Angel.

“Oo.’’

“Mauubos ang tanong niya kay JC,’’ sabi pa ni Angel.

ISANG araw ng Linggo, biglang dumating si Mam Dioscora sa bahay. Hindi inaasahan nina JC at Maria ang pagdating ni Mam.

“Kumusta kayong dalawa? May problema ba?’’

“Okey naman po kami Mam. Walang problema,’’ sagot ni JC.

“Good.’’

“Ikaw po Mam, kumusta po?’’

“Hindi mabuti, JC.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with