^

True Confessions

Dioscora (92)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA naman akong sinabi kundi naka­katakot siya at nakakakaba di ba? Wala namang ma­sama dun?’’ sabi ni JC kay Angel habang naglalakad sila palabas ng unibersidad.

“Oo nga pero hindi ayaw niyang may maririnig na comment na ganun.’’

“Siya lang naman sa lahat ng prof natin ang ganun.’’

“Kaya huwag ka nang magko-comment para hindi ka pag-initan.’’

“Oo. Next time tahimik na ako kapag nakita siyang papasok sa room natin.’’

“Mabuti na lang at nasagot mo nang perfect ang tanong niya. Kung hindi baka lalo ka niyang ipinahiya.’’

“Oo nga.’’

“Ang galing mo JC. Ano ‘yun pinag-aralan mo talaga?’’

“Oo. Kabisado ko talaga ang tinanong niya kaya word for word kong nasabi.’’

“Napamulagat nga si Terror­ makaraan mong sagutin ang tanong. Hindi siguro aakalain na may baon kang sagot.’’

“Kaya talagang dapat mag-aral ako lagi at baka sa sumunod ay ako na naman ang tawagin niya.’’

“Puwede ‘yun.’’

Lumabas sila sa gate ng unibersidad.

“Saan ka umuuwi Angel?’’

“Diyan lang pagtawid. Ikaw?’’

“Sa may Santo Domingo. Isang ride.’’

“Okey sige, JC. Bye.’’

“Bye.’’

Tumawid na si Angel.

Naghintay naman ng dyip si JC.

Maya-maya lang nakasakay na siya dahil walang gaanong pasahero.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with