AFP, handa sa BARMM polls; higit 11K troops idineploy
MANILA, Philippines — Mahigit 11,000 troops ang idineploy ng Philippine Army para mangalaga ng seguridad sa gaganaping Bangsamoro Parliamantary Elections (BPE) sa darating na Setyembre 14 ng taong ito.
Sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson ng AFP na handang- handa na ang AFP sa pagpapatupad ng seguriad sa BPE katuwang ang PNP upang tiyakin ang mapayapang halalan.
Inihayag ni Major Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng 1st Infantry “Tabak” Division na nag-deploy na sila ng karagdagang provisional battalions na binubuo ng may 1,000 pang mga sundalo para palakasin ang seguridad sa halalan.
Una nang inihayag ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Donald Gumiran na nasa 10,031 na tropa ng militar ang kaniyang idineploy sa mga lugar na pagdarausan ng halalan sa BARMM.
Ang panibagong deployment ng mga sundalo ay binubuo ng composite units mula sa armor at field artillery units na nakahanda sa lahat ng oras para supilin ang anumang banta ng karahasan sa BPE na kaunaunahan sa kasaysayan.
- Latest




















