^

Police Metro

Japanese resto chef, todas sa kuryente

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 43-anyos na lalaking chef nang ito umano ay nakuryente habang naglilinis sa kusina ng isang Japanese restaurant sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Sammy”, nakatira sa Phase II, Brgy. Payatas, Quezon City.

Sa ulat sa Kamuning Police Station (PS-10), alas- 11 ng gabi noong Nobyembre 11 ay nililinis ng biktima ang sushi chiller sa loob ng kusina ng restaurant na matatagpuan sa kanto ng Tomas Morato Ave., at Scout Madriñan, Brgy. South Triangle, Quezon City nang itong mawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Agad dinala sa Capitol Medical Center ang biktima, subalit alas-4:06 ng madaling araw nitong Linggo ay namatay din ito sanhi umano ng “Fatal Arrhythmia secondary to Electrocution”.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with