^

Metro

Whole-community approach sa ligtas na skul – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng Philip­pine National Police (PNP) ang whole-community approach ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapigilan ang karahasan at mapa­natiling ligtas ang mga mag-aaral.

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kailangan ang pagtutulungan ng pamilya, paaralan, komunidad at pamahalaan kasunod ng tatlong insidente ng pamamaril sa mga paaralan mula Hunyo, kabilang ang pinakahuli sa South Cotabato noong Setyembre 18.

Hinimok ni Nartatez ang mga magulang at guardian na bantayan ang kanilang mga anak, lalo na ang kanilang online activities, mga content na naa-access at mga senyales na nanga­ngailangan ng gabay o propesyonal na tulong.

Binigyang-diin din ng PNP ang responsableng pagmamay-ari at ligtas na pag-iimbak ng mga baril upang hindi mapasakamay ng mga menor-de-edad.

Patuloy namang makikipag-ugnayan ang PNP sa DILG, DepEd, mga LGU, paaralan at pamilya upang palakasin ang preventive measures at mapanatili ang ligtas na learning environment.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with