^

Entertainment

‘Tulangot’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Tulangot�
What will happen kung lahat ng pigs ay malagot? Eh di malamang nyan ipalit natin ay goat! No more sisig pero champoy nama’y nagkalat basta abangan na lang, it’s kambing soon! Ngak!

Paminsan-minsan bilang isang manunulat,

Kung ano ipapaksa hindi mahagilap!

Kung minsan ay kuha agad sa isang iglap!

At kung minsan nama’y marami’t kalat-kalat!

 

Sa huling kaso ako ngayon ay nasangkot

Kaya tula ay sari-sari’t samot-samot!

Mga tulang tapos agad at kapiranggot!

Mga tulang tatawagin nating tulangot!

 

Tulad lang ng kulangot na bilot na bilot!

Sa nilalaman naman ay balot na balot!

Kaya ‘wag basta pitikin sa isang sulok,

Isapuso ninyo at sa ulo’y ipasok!

*   *   *

‘A E I O U … flush!’

Mga gays daw today they MULTIPLY very quick!

Some gaymen have “DIVISION” in front …almost perpek!

Ang LGBTQ complete na Arithmetic —

End with PLUS, begin with LES … lesbian kasi ‘no ngek!

 

Noon babae tinitingnan kung maganda,

Ngayon pag maganda tinitingnan kung GIRL s’ya!

Iba na panahon at saka mahirap na

At baka yung “girl” may Adam’s Apple pang iba!

 

Ngek! Eto na nga at nagkakaproblema na!

Ang Third Kasarian pala’y iba-iba pa!

Nagkasari-sari na at nagsanga-sanga!

Nagamit na nga yata ang lahat ng letra!

 

A…E…I…ihi ba nang nakatayo sila?

O…U…upo na tila ba isang prinsesa?

Hinihingi ay sariling palasyo basta!

O kaya ay pagamit ang trono ng Reyna!

 

Patayuan na raw sila ng restroom to piss

Nang sila’y ‘di na mag-ingay … nang mag-rest in peace!

‘Wag na ring pagdudahan at alamin pa please

Kung ano nasa likod ng palda at tapis!

 

Sa dating Male and Female lang sila’y kumalas!

Kumbaga blackjack biniyak dalawang alas!

At ngayon nga ay LGBTQIA plus!

Not human but WOMAN rights! A E I O U … flush!

*   *   *

‘Shooting yourself is good!’

Sa buhay ng tao pag-usad katagalan,

‘Di na mahalaga laki ng tinitirhan

Basta maginhawa sa isang sulok na lang

Dala masayang alaala sa isipan!

 

Hawak mga selfie in a corner na lamang!

Sa selfie AKODAK din pwedeng itawag d’yan!

Mga mahilig dito ‘wag pagtatawanan

At magandang baon ito sa katandaan!

*   *   *

‘Let the fingers do the working!’

Alam ba n’yo pinakasalaulang hugot?

Ano pa nga ba’t eh di kulangot ang sagot!

Ako’y nagtataka’t tinawag na kulangot,

‘Di nga kulang kundi labis at walang gamot!

 

Alam kong paksang ito’y nakakakilabot

At iba dya’y diring-diri’t nakabusangot!

‘Wag maarte’t lahat tayo ay nangalikot

Nang kahit minsan at meron pa d’yang bumunot!

 

Cool lang kayo’t meron bang ilang aamin dyan

Na ‘yay libangan na hindi namamalayan!

Mabuti nga’t nalinisan ating hingahan,

Basta ‘wag lang sa harap ng iba gawin ‘yan!

 

Ito’y nangyari sa aming palatuntunan —

Sa isang magandang babae’y may panayam,

Mestisa sya’t matangos ang ilong pa naman

Ngunit nagbabaging sa ilong n’ya si Tarzan!

 

Kanina ang ating tulangot na number one

Tungkol babaeng boy in short … alam n’yo na ‘yon!

Pagkatapos ay taking pictures na all alone,

And then our ilong pag ginagawang telephone!

 

Well, sa mga ‘yon hindi ako natetensyon!

Afraid ang beauty ko for the pig population!

Paano na lafangan ng lechon at hamon?

Mababaklah akoh fag hindi huminahon!

vuukle comment

TULANGOT

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with