^

Entertainment

‘My Two Bath Blogs’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�My Two Bath Blogs�

As a Superherod in Israel’s Dead Sea

Isang gabi sa Netflix ay napanood ko

Isang tungkol sa mga Lihim at Misteryo

At nabanggit dun na ang DEAD SEA diumano —

Taon-taon bumababa ng isang metro!

 

Naging NGEK FLIX bigla ang pinapanood ko!

Makasaysayang Dead Sea madededbol kuno!

At ayon na nga sa mga siyentipiko —

By the year 2050 baka wala na ‘to!

 

Oh no! ‘Yoko! Imagine naligo pa rito

Si Cleopatra, Herodes at kung sino-sino!

Ngunit mukhang ‘di na mapipigilan ito

Kaya ano pa ba ang hinihintay ninyo?!

 

Ginawa bang SPA ng Reyna ng Ehipto!

Nabaliw tuluyan sa tatlong letrang ito!

SPA araw-araw, SPA hanggang sa dulo!

Nagpatuka sa ASP, tatlong letra ginulo!

Starzan as Bathman at the Blue Lagoon in Iceland

 

At ‘yung MUD therapy dito nga rin nauso,

Pampaganda ng sirkulasyon ng dugo mo!

Magaling sa kutis at mga buto-buto!

Putik isa sa mahalagang elemento!

 

‘Yan din ang walang katapusang LIBAG ninyo!

Pagkat nga MUD MADE tayong lahat sa totoo!

Tandaang sa putik nagsimula ang tao!

Tandaang PUTIK AMA MO! PUTIK INA MO!

 

‘Wag nang magpaligoy-ligoy mga darling ko!

‘Wag nang magpaligo-ligo kung saan kayo!

Unahin nang puntahan ang lugar na ito

Bago pa puro asin na lang abutan n’yo!

 

Tayo nang mag-swimming! Puro ka lang floating!

Di ka lulubog dito kahit anong gawin!

Sakit sa balat hindi kailangang kamutin!

Medyo mahapdi lang kaya ‘wag patagalin!

 

Kakaibang karanasan mo dito’t feeling!

Kumbaga you can say your experience is “humbling” …

Pagpapakumbaba ba at kung tatanungin,

He, he… LOWEST POINT kasi ito on land darling!

 

420 meters below sea leveling

Kaya ibang level talaga iyong dating!

Saka pag sumisid dumilat ‘wag subukin!

At huwag kayong makulit ditong mag-fishing!

 

Isa pang FLASHBATH nangyari isang Enero,

Naalala ko na rin nang maligo ako

Sa isang kakaiba rin — Iceland naman ‘to

HOT and COLD kasi! Ito ba ‘yung LAGOON na BLUE!

 

Eh kasi HOT yung tubig… but pag-ahon mo…  SNOW!

Pag umihip pa ang hangin lalong naloko!

Kaya HOT SHOWER na NANGINGINIG pa ito!

Blue Lagoon in Iceland! January, two years ago!

 

Ngunit ‘di pa mawawala ang isang ito,

Dead Sea na muna’t iba mararamdam n’yo!

At dahil “pakiramdam” at sa Holy Land ‘to

Ay gawin n’yong isang FEEL-grimage ang trip ninyo!

vuukle comment

JOEY DE LEON

TWO BATH BLOGS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with