^

Bansa

Gina nilaglag ni Digong?

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinayaan din umano ng administrasyon si da­ting Environment Secretary Gina Lopez na ilaglag ng Commission on Appointments (CA).

Ito ang paniniwala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, dahil kung gusto talaga umano ng administrasyon na manatili si Lopez sa pwesto ay dapat ginamit ng Malacañang ang super majority na nakakarami sa CA para ilusot ang kalihim.

Giit pa ni Baguilat, sa halip ang mga Liberal Party (LP) Senators pa ang marami sa naging kakampi ni Lopez sa makapangyarihang komisyon

Sa tingin ng kongresista, hinayaan nang ma­laglag si Lopez dahil sa pressure mula sa pro-mining sa hanay ng gabinete.

Bukod dito naging lantaran din umano ang banat ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kay Lopez dahil sa pagpapasara nito sa maraming minahan.

Sinabi ni Baguilat, maaring si Dominguez ang kumumbinsi kay Pa­ngulong Duterte na paka­walan na si Lopez. 

“I’m not buying it. Duterte fed Gina Lopez to the lions,” sabi naman ni Sen. Antonio Trillanes sa isang statement.

Ayon kay Trillanes, taliwas sa mga pinalalabas ng Pangulo na sinusuportahan niya si Lopez, hindi ito gumawa ng paraan para maimpluwensiyahan ang mga miyembro ng CA mula sa House of Representatives na hindi bumoto para makumpirma ang dating kalihim. 

Naniniwala si Trillanes na susundin siya ng mga mambabatas na miyembro ng CA kung hiniling nito na suportahan si Lopez.

Nakatitiyak rin si Trillanes na hindi susuwayin ng mga congressmen si Duterte kung alam ng mga ito na nais talaga ng Pangulo na manatiling kalihim ng DENR si Lopez.

Kung totoo aniyang anti-mining ang Pangulo, ang dapat nitong italaga sa puwesto kapalit ni Lopez ay isang anti-mining advocate.

 

vuukle comment

TEDDY BAGUILAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with