^

Pang Movies

Direktor ng pelikulang fake raw ang permit, may MTRCB!

Gorgy Rula - Pang-masa
Direktor ng pelikulang fake raw ang permit, may MTRCB!

MANILA, Philippines — Muling nag-emote sa social media ang director ng pelikulang Tatsulok na si Jhonny Bobier.

Kaugnay ito sa isyu niya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), dahil sa ipinatigil ang screening nito sa Gateway 18 nang malamang wala pala itong PET of Permit To Exhibit mula sa MTRCB.

Noong Setyembre 6, naglabas ng three-part video sa Facebook (FB) si Jhonny Bobier at nagpaliwanag.

Aniya, hindi siya ni-require ng management ng Gateway Cineplex na kumuha ng PET mula sa MTRCB para sa premiere ng Tatsulok. Noong mismong mag-i-screening na, saka lang daw siya hinanapan. Wala raw siyang alam o kinalaman sa alleged fake MTRCB permit ng Tatsulok.

Bahagi ng himutok pa ni Jhonny Bobier sa FB noong Setyembre 6,“Ilan sa pelikulang nilikha ko noon ay nakatanggap ng hindi angkop para sa pampublikong pagpapalabas ang mga kwentong gaya nito.

“Sa bawat pagkakataong pinipilit kong lumikha ng pelikulang patungkol sa pag-ibig ay ibinabalik pa rin ako sa mga kwentong gaya ng tatsulok.

“Boses ng mga Pilipinong tinanggalan ng karapatang marinig at makakita.

“Walang pwedeng magsabi ng tama o mali sa mga kwentong gaya nito dahil hindi ito nabuo sa katang-isip, sabi-sabi o mga paratang.

“Ito ang kwento ng mga gaya ko.

“Mula sa lugar kung saan talamak ang droga, bayaran sa pulitika, sugal, mananamantalang alagad ng batas at patayang walang katarungan.”

Isang filmmaker itong si Bobier, kaya dapat na alam niyang kailangang dumaan sa MTRCB ang isang pelikulang ipalalabas sa sinehan.

Pero noong Biyernes ay muling nag-post si Bobier ng panawagan na i-abolish daw ang MTRCB.

“Ang sining ay hindi dapat humihingi ng pahintulot, pagtanggap, o pag-unawa. Sapagkat ang tunay na sining ay malaya.”

Nito ring Setyembre 19, Biyernes, sa FB page ng MTRCB ay ipinaliwanag ni Chair and CEO Lala Sotto ang careful review process for films and TV shows ng Ahensya. May link doon ng FAQs (Frequently Asked Questions).

Palaging naglalabas ang MTRCB ng weekly movie rating guide na “Pribyuhan.”

Sinuportahan ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang panukalang badyet ng MTRCB, pati na rin ang mga panawagan na lawakan ang saklaw ng mandato ng Ahensiya. Ito ay matapos tuldukan ng House of Representatives ang diskusyon sa plenaryo sa P197.89M na pondo ng MTRCB para sa taong 2027.

Pinasalamatan ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto ang mga mambabatas na naintindihan ang kahalagahan ng isang panukalang-batas na isasama ang online streaming platform at subscription video on-demand sa mandato ng Ahensiya.

Lalo pang palalawakin ang responsibilidad ng MTRCB na pati ang mga nasa online ay dadaan na rin sa kanila.

Kaya ba niyang mapa-abolish ‘yun?

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with