^

Dr. Love

Adik sa Tiktok si Mister

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong Sonia. Gusto ko lang po na maawat ang mister ko sa kakanood ng mga sexing babae sa tiktok, na kung minsan ay mga naghuhubad na.

May na tinatawag ko na siya para kumain, pero nood pa rin siya nang nood. Sa cr kaya nagtatagal siya, nanoood pa rin. 

Sinasabihan ko nga siya dahil may anak din kaming mga dalagita, baka mawalan ng respeto sa kanya ang mga anak namin. 

‘Yung anak naming lalaki, laro naman nang laro ng ML. Ano ba ‘yan? 

Hanggang sa pagtulog, hawak-hawak ang cp niya nood pa rin, hindi lang ng tiktok pati sa fb reels. 

Inaway ko na nga siya pero matigas pa rin ang ulo. Siya pa ang nagalit, bakit ko raw siya pinapakialaman. 

Hindi ko naman makuha ang cp niya dahil lalong magagalit. Ang nakakainis, nasasayang ang oras niya kakanood, tapos sa gabi ako naman ang kinukulit. 

Gusto ko na ngang ipabaranggay dahil adik na sa kakanood ng mga sexy. 

Sonia

Dear Sonia,

‘Yan nga ang panganib sa social media. Kapag wala kang disiplina ay maaadik ka sa kakanood ng mga bagay na akala mo ay walang epekto sa’yo. 

Nasa atin ang desisyon kung tatangkilikin natin ang mga videos na hindi kaaya-aya. 

Kausapin mo ng masinsinan ang mister mo.  Kung ayaw niyang mawala ang respeto ninyo sa kanya, lalo na ng kanyang mga dalagitang anak. 

Bilang ama dapat sa atin nakikita ang pagdidisiplina. Lalo na sa mga bagay na alam natin   na pwedeng magdulot ng hindi maganda sa ating pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. 

Paano natin madidisiplina ang ating mga anak kung tayo mismo ay pasaway?

Lagi mo rin ipagdasal ang iyong pamilya at hilingin sa Panginoon na baguhin ang puso ng iyong asawa, para matutunan niyang ilaan ang oras niya sa kapakipakinabang na bagay. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with