^

Dr. Love

Dahil sa load

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa kakaibang paraan ko nakilala si Liza, ang babaeng na-love at first sight ako.

May tindahan kami at nagka-crush agad ako sa kanya nang minsang nagpa-load siya sa kanyang cellphone.

Hindi ako nagpahalatang type ko siya pero agad kong tinandaan ang kanyang number.

After one hour ay tinext ko siya at nagpakilala ako sa kanya. Naging textmate kami for two weeks hanggang niyaya ko siyang kumain sa labas.

Nagpaunlak naman siya. Naging friends kami hanggang magtapat ako sa kanya.

Nasaktan ako nang sabihin niyang hanggang friends lang kami dahil taken na siya at nagtatrabaho sa Singapore ang boyfriend niya.

Sabi niya puwede pa rin kaming mag-friendly date pero iniisip ko na masasaktan lang ako.

Pagpayuhan mo ako.

Orville

Dear Orville,

Ang dali mo namang sumuko. Malay mo sinusubukan ka lang niya.

At kung totoo man na may boyfriend siya, officially single pa rin siya.

Dahil payag siyang patuloy na lumabas kasama ka, malamang interesado rin siya sa iyo.Tutal hindi pa naman siya kasal, malaya pa rin siya at ikaw na ang bahalang diskarte.

Samantalahin mo ang pagkakataon na naaaya mo siyang lumabas. Planuhin mo ng mabuti ang mga lugar na pupuntahan ninyo. Gaya nang kung saan kayo kakain o mamamasyal. Tiyakin mo na mag-e-enjoy siya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with