^

Dr. Love

Kuyang amoy suka, Ate na may toyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkakilala kami dahil sa suka. Matagal na akong nagdi-deliver ng suka, patis at toyo. Tawag nga nila sa akin ay Amang Suka. Amado ang tunay kong pangalan. Pumapayag akong tawagin na Amang Suka. Pero may isang tindera na ang laging tawag sa akin ay si kuya  na amoy suka.

Noong una, nagagalit ako sa kanya dahil parang sinasadya niya kapag dumarating na ako dala ang kahon-kahong suka, toyo’t patis, sumisigaw na siya na si kuya  na amoy suka.

Imbes na kumprontahin ko ang tinderang iyon, nagpa-impress na lang ako sa kanya. Kaya ang tawag ko naman sa kanya ay si ateng may toyo.

Siya naman ang nagalit sa akin. Simula noon, nagbibiruan na kami. Habang tumatagal, parang sabik na sabik akong mag-deliver sa kanila.

Naging iba ang nararamdaman ko para sa kanya, hanggang sa nagpaalam ako sa amo niya para ligawan siya.

May libreng suka, patis at toyo si ate. Ang pangalan niya ay Ading. Minsan nagde-date kami. Dinadaan ko siya sa simbahan at kumakain kami ng lugaw.

Ang nadiskumbre ko, mahilig pala siya sa sawsawang pinaghalong toyo at suka. Sinagot niya ako dahil bagay daw kami, suka ako at toyo naman siya.

Biro ko naman, lagyan natin ng sili para mainit ang ating pagsasama.

Sa simpleng pagdi-deliver ko ng suka, natagpuan ko ang magi-ging misis ko.

Excited na ako para sa future naming dalawa.

Amang Suka

Dear Amang Suka,

Nakakatuwa ang love story ninyo. Sa simpleng hanapbuhay, simpleng pagtatagpo at simpleng biruan, nagsimula ang lahat. Hindi natin talaga alam, minsan akala natin na magkaiba kayo pero kayo pala ang dapat pagsamahin. Parang toyo’t suka.

Nagutom tuloy ako, parang gusto ko ng tokwa na sinasawsaw sa toyo’t suka. More power sa inyong dalawa. Pa-order nga pala ako ng suka mo!

DR. LOVE

vuukle comment

SUKA

TOYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with