^

Dr. Love

HIV Positive

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alias na Mr. Worried, 29 anyos at may asawa. Hindi alam ng asawa ko na ako ay isang silahis at may karelasyong na isa ring gay. Minsan, napansin ko na matamlay at parang may bumabagabag sa karelasyon ko.

Napahagulgol siya sa aking balikat at sinabing HIV positive siya. Nagsimula rin akong mag-worry para sa sarili ko, kaya nagpasuri rin ako. Nasindak ako nang malaman ko naHIV positive rin ako. Paano ko sasabihin ito sa aking misis. Nangangamba ako na baka nasalinan ko na rin siya ng virus.

Mula noon ay umiiwas akong makipagtalik sa asawa ko hanggang magtaka na siya kung bakit. Naghinala siya na mayroon akong ibang babae. Hanggang sa ngayon ay malamig ang aming pagtitinginan.

Pinagsisisihan ko ang nagawa kong pakikipagrelasyon sa kapwa ko lalaki, pero tao lang ako na gaya ng iba, hindi masupil ang tawag ng laman. Lalo akong nabigla nang kausapin ako ng misis ko at sinabing gusto na niya akong hiwalayan.

Mahal ko ang asawa ko kahit ako ay isang matatawag na closet queen. Dalawa na ang aming anak na mahal na mahal ko, kaya ayaw kong masira ang aking pamilya.

Sana ay mapagpayuhan mo ako.

Mr. Worried

Dear Mr. Worried,

Wala kang choice kundi ipagtapat ang buong katotohanan sa asawa mo, in fairness to her na hindi nalalaman na baka siya rin ay HIV positive na. Ano man ang consequence ng gagawin mong pagtatapat, obligasyon mo na sabihin ang buong katotohanan sa kanya.

Dapat ipasuri mo rin siya para malaman kung siya ay nasalinan mo ng HIV virus o hindi. Kung lalabas sa pagsusuri na hindi, salamat sa Diyos. Pero kung HIV positive rin siya, may magagawang paraan sa pamamagitan ng medisina para makontrol ang mabilis na pagkalat nito sa katawan.

Marami na ngayon ang HIV positive na nabubuhay nang normal dahil napipigilan ng gamot ang progression ng virus para maging full-blown AIDS.

Kung hindi mo gagawin iyan at naghiwalay kayo na taglay din niya ang virus, malamang maisalin din niya ito sa ibang lalaki kung makakahanap siya ng ibang karelasyon.

Nagkamali ka kaya harapin mo ang posibleng ibunga ng iyong kamalian.

Dr. Love

vuukle comment

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with