^

Dr. Love

Type ang Math teacher

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Winnie, 16 years old and still in my junior high. Sa age kong ito ay natutuhan kong umibig sa aking Math teacher na 21 anyos. Single pa siya. Nami-miss ko nga siya simula nang ibinawal ang face-to-face classes dahil sa pandemic.

Pero madalas kaming magkausap sa video chat. Kunwari ay may gusto akong itanong sa kanya tungkol sa subject. Pero hindi ko maiwasan ang magtanong sa kanya ng mga personal na bagay tulad ng kung jowa na siya. Napapangiti lang siya sa aking mga tanong. Talagang ipinapahalata ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. Pinagpapayuhan naman niya ako na tumutok muna sa pag-aaral at saka ko na isipin ang tungkol sa love.

Lalo lamang siyang napapamahal sa akin sa ipinakikita niyang pagka-gentleman.

Minsan, pinilit ko siyang magtapat kung taken na ba siya o available pa.

Sa kapipilit ko ay sinabi niyang balak na niyang pakasalan ang girlfriend niya. Pero napigil ito dahil sa pandemic. Saka na lang daw kapag normal na ang lahat.

Nalaman ko na co-teacher din pala niya ang kanyang syota na English teacher ko. Favorite teacher ko pa naman siya. Kaya kapag may online session kami sa English ay nagseselos ako at hindi makapag-concentrate.

Sabi ng mga friends ko, crush lang daw ang nararamdaman ko at huwag ko nang ipagsiksikan ang sarili ko kay Sir.

Ano ang gagawin ko?

Winnie

Dear Winnie,

Tama ang Sir mo.  Masyado pang mura ang iyong edad para sumersyoso sa pag-ibig.

Isa pa, engaged na pala ang teacher mo kaya huwag ka nang manira ng isang magandang relasyon.

Mabuti na lang at maginoo ang teacher mo at hindi mapagsamantala.  Mabuting tutukan mo muna ang iyong pag-aaral at sikaping makapagtapos hanggang college.

As you grow up, malilimutan mo rin iyang nadarama mong infatuation.

Dr. Love

vuukle comment

HIGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with