^

Dr. Love

‘Di makalimutan ang puppy love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nanghihinayang ako sa relationship namin. Ewan ko ba, hindi pa rin ako maka-move on kahit na may gf na ako ngayon.

High school pa lang kami nang ako ay nanligaw sa aking ex. Talagang puppy love ang dating.Sobrang saya namin. Naalala ko pa ‘yung tumatakbo pa kami sa ulan bago kami pumasok sa school.

Basang basa kami tapos hanggang matuyo na lang ang damit namin sa buong maghapon. Madalas ko siyang sinasabihan na magdala ng extrang damit lalo na kapag maulan.

Kwentuhan, pasyal sa Luneta, sa mall ang dami naming sweet moments. Almost 8 years kaming magkarelasyon. Marami na nga kaming plano. Kinakausap na nga kami ng mga parents namin kung ano ang balak namin sa buhay. Masaya kami at masaya rin para sa amin ang mga taong nasa paligid namin.

Hanggang sa nakatapos nga kami ng college. ‘Yung lang, nag-iba ang aming environment.

Nag-abroad ako, dun kami nagkaroon ng problema. Nahati ang atensyon ko at oras sa trabaho at para sa kanya.  Sayang, inaya ko siyang magpakasal noon kahit secret marriage lang. Pero hindi siya pumayag dahil natatakot siya na baka ipagpalit ko raw siya at iwanan ko lang siya.

Nagulat na lang ako, may anak na siya nang magkita kaming muli. Hindi niya sinabi ang nangyayari sa kanya habang nasa ibang bansa ako. Ang akala ko ay ok pa rin kami pero hindi na pala. Kaya ko naman siyang patawarin at tanggapin kaso, pinayuhan na ako ng parents ko na kalimutan ko na lamang siya.

Masakit pero kinaya ko dahil parang masisira ang ulo ko kung pagsisiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya.

Ngayon may gf na rin ako pero parang hindi ko pa rin maibuhos ang lahat sa kanya. 

Justin

Dear Justin,

Palayain mo na ang sarili mo sa iyong nakaraan. Hindi mo na rin naman maibabalik ang inyong pagsasamahan dahil may anak na ang ex mo sa iba.

Ituring mo na lang siya na isa sa mga taong nagbigay kulay sa iyong buhay.

May bago ka ng gf ngayon, siya naman ang bigyan mo ng pagpapahalaga. Unfair naman sa kanya kung nariyan pa rin sa isip at puso mo ang nakaan ninyo. Be strong and give your new gf a chance to experience kung paano magmahal ang isang Justin.

DR. LOVE

Nakalulungkot ang nangyari sa inyo. Mabuti at ligtas kayo ng pamilya mo. Alam mo hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyang pakiramdam ng panghihina at pagdududa sa kakayahan ng Diyos, na tayo ay tulungan. May mga bagay na hindi natin maintindihan kung bakit hinahayaan ng Diyos ang mga ganitong sakuna. Ituring mong isang hamon at pagsubok ito kung hanggang saan ang ating pananalig at pagmamahal sa Kanya.

Tingnan mo ang magagandang mga bagay, tulad nang pagmamalasakit ng bawat isa.Huwag kang susuko at huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Makakaahon ka-yong muli sa tulong na rin ng mga taong may mabuting kalooban, na sinusubukan naman ng Diyos kung gaano sila nagmamalasakit sa iba.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with