^

Dr. Love

Sino ang crush ni Bestie?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mainit at mapagpalang pagbati sa iyo at sa lahat ng staff ng PSN, gayundin sa mga tagasubaybay ng iyong love advice column. Tawagin mo na lang akong Julian, 17 anyos at nasa senior high.

Mayroon akong best friend na babae. Tawagin mo na lang siyang Minnie. We have been so close for four years at kino-confide namin sa bawat isa ang aming mga problema. Humihingi siya ng payo sa akin kung paano siya papansinin ng crush niya. Wala naman akong maibigay na payo.

Sa totoo lang, may crush din ako sa kanya, kaya lang ay nangingimi ako dahil baka masamain niya dahil matagal na kaming magkaibigan. Kahit pilitin ko, ayaw niyang sabihin kung sino ang crush niya. Kaya sinabi ko na sabihin niya sa aking kung sino ang crush niya at sasabihin ko rin ang crush ko.

Sabi niya, mauna raw ako. Naumid ang dila ko dahil siya talaga ang kursunada ko, kaya itinuro ko na lang iyong isa naming classmate na si Marie. Tapos nang tanungin ko kung sino ang crush niya, ayaw pa rin niyang magsabi. Basta ang sabi niya lang si Marie din ang gusto ng kanyang crush kaya naiinis siya.

Naisip ko na baka ako ang tinutukoy ni Minnie. Kaso ayaw kong isipin niya na presumptuous ako. Ano ang gagawin ko?

Julian

Dear Julian,

Huwag kang torpe. Kahit best friend mo siya for many years, walang masama kung sasabihin mo ang tunay mong damdamin.  Hindi masisira ang inyong pagkakaibigan.

Malamang ikaw na nga ang tinutukoy ni Minnie pero hindi siya makapagsabi dahil babae siya. Ang payo ko, ligawan mo siya.

Marahil nga ay matagal na niyang hinihintay ang pagpaparandam mo, pero hindi mo ginagawa dahil inuunahan ka ng pagka-torpe  mo.

Magpakalalaki ka. Gawin mo na ang payo ko at baka maunahan ka pa ng iba, ikaw rin.

Dr. Love

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with