^

Dr. Love

Nananabik kay Ms. Marikit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong R-Jay Handsome. Grade 11 student ng isang kilalang paaralan dito sa Maynila. Ang hirap ng online, crush ko ang klasmeyt ko pero hindi ako makaporma at hindi ko siya makausap ng personal.

Ang maganda, inspired akong pumasok online kasi gustung-gusto kong marinig ang boses ng klameyt kong si Marikit. Ganda ng ngiti niya, bagay sa boses niyang lambing. Gusto ko na ngang makita siya nang malapitan at makausap siya nang matagal.

Kaso tiis lang, kasi online. Hanggang kailan kaya ang pandemic na ito? Kasi hindi na matahimik ang kalooban ko. Sa tuwing nakikita kong nagtataas siya ng kamay, naiisip kong parang sa akin siya kumakaway.

Sinubukan ko na siyang i-chat para sa ganun mapansin naman niya ako. Pero parang hindi pa yata niya nababasa ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

Sana nga po mabilis nang mawala ang sumpa ng pandemic na ito. Para naman makalaya na tayo sa bahay at makagala na tayo.

Naku habang tumatagal, lalo akong nananabik na makita ang klaymet kong si Marikit. Pasensiya na po, napansin kong nagiging makata na ako. Ganyan yata talaga magsalita ang puso kapag nagmamahal.

Maraming salamat po, nabigyan ninyo ako ng pagkakataon na mailathala ang liham kong ito, sana makara-ting kay Ms. Marikit ang mensahe kong ito. 

R-Jay Handsome

Dear R-Jay Handsome,

Kumusta naman ang pag-aaral? Basta gawing mong inspirasyon si Ms. Marikit. Huwag lang panay pantasya ha, kasi baka hindi ka maka-focus sa pag-aaral mo online.

Ganyan talaga, nagiging makata ang tao kapag iba ang nararamdaman at in-love. Don’t forget, ang future ay nakasalalay sa inyong pag-aaral.

Tiis lang muna Grade 11 ka pa lang naman at marami ka pang pwedeng maranasan at makikilalang marikit.

Just focus on your priority, mas nakaka-gwapo ang husay mo sa klase. Kaya magpapansin ka kay Marikit sa galing mong sumagot at mag-participate ka lagi sa group activities ninyo.

DR. LOVE

 

 

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with