^

Dr. Love

Si Lolo Andro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpala at masayang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Alejandro Masangcay, 97-anyos, isang masugid na tagasubaybay ng iyong kolum.

Hindi mo naitatanong, ako’y isang retiradong civil engineer. Lolo Andro ang tawag ng mga kapitbahay ko sa akin dahil wala na akong kaanak at nag-iisang naninirahan sa aking maliit na bukirin kasama ang aking ever-faithful na alalay na si Simeon. Driver ko siya simula pa noong ako’y nagtatrabaho pa.

Hindi ako hihingi ng payo kundi gusto ko lang ibahagi ang sarili kong kasaysayan sa pag-ibig upang maging inspirasyon ng mga kabataan na kadalasan ay malungkot ang karanasan sa pag-ibig. Ibang iba kasi nung panahon ko. Kapag umibig ang mga tao noon, lagi itong tapat at hindi nagsasalawahan.

Tatlo ang naging asawa ko at lahat sila’y unang pumanaw sa akin. Si Miding ay limang taon kong kinasama bago bawian ng buhay sa sakit ng tuberculosis. Si Aning ay namatay sa pagluluwal ng aming panganay na anak at si Lusing naman ang pinakamatagal kong nakapiling. Kamamatay lang niya noong isang taon. Tatlo ang naging anak namin kaya bale apat ang supling kasama ang sa una kong asawa.

Lahat ng anak ko ay mga American citizens na at wala akong pagsisisi sa buhay. Lahat ng napangasawa ko ay uliran at makalinga sa pamilya. Nagtataka ako kung bakit ang kasal ngayon ay madalas humahantong sa hiwalayan. Palagay ko, masyadong nalihis ang bagong henerasyon sa Diyos, hindi tulad ng dati na ang mga tao ay lubhang madasalin at matibay ang pananampalataya sa Maykapal.

Kaya sana, sa mga bumabasang kabataan ngayon, kung kayo’y mag-aasawa, laging ilagay sa sentro ng inyong relasyon si JesuCristo upang maging matibay at pangmatagalan ang pagsasama.

Lolo Andro

Dear Lolo Andro,

Tama kayo sa inyong obserbasyon. Kahit ako, lagi kong ipinapayo sa mga sumusubaybay sa ating kolum na ang Panginoong Diyos lamang ang siyang dapat maging sandigan ng bawat relasyon. Sa harap ng lumalaking bilang ng mga broken homes sanhi ng pagtataksil o iba pang kadahilanan, napapanahon po ang inyong iniwang payo. Sana nga ay bumalik ang  dating panahon na ang mga tao ay may pitagan sa Panginoong Diyos at ang mga mag-asawa ay tapat sa sinumpaan nila sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginawa hanggang kamatayan.

Kung tapat na mananalig ang bawat Pilipino sa Diyos, naniniwala ako na kahit ang mga katiwalian sa pamahalaan at lipunan ay siguradong mawawala.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

FATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with