^

Dr. Love

May unang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hiwalay ako sa asawa at nakapag-asawa akong muli matapos ma-annul ang una kong kasal three years ago.

Tawagin mo na lang akong Alex, 32-anyos. May anak ako sa una kong asawa na patuloy kong sinusustentuhan at dinadalaw tuwing araw ng Sabado. Medyo hindi ko lang magawang dalawin at ipasyal ang siyam na taong gulang kong anak dahil sa ipinatutupad na lockdown.

Masyadong selosa ang ikalawa kong asawa bagama’t nagsasama pa lang kami at nagbaba­lak pa lang magpakasal. Gusto niyang itigil ko na ang sustento at pagdalaw sa anak ko. Mayroon na rin kaming isang anak na magdadalawang buwan pa lang ang edad. Nagbabanta pa siyang lalayasan ako kapag hindi ko siya sinunod sa kanyang kagustuhan.

Dr. Love, obligado akong magsustento sa a­king unang anak at maaaring makulong ako kapag tinalikuran ko ang aking obligasyon. Mahal ko rin ang anak ko kaya hindi ko matitiis na hindi siya makapiling kahit man lang sa isang araw.

Ano ang gagawin ko?

Alex

Dear Alex,

Hindi ko alam kung ano ang diprensya ng una mong asawa at hiniwalayan mo. Sa tingin ko, mas karapatdapat kalasan ang kinakasama mo ngayon dahil sa kanyang karamutan.

Mabuti at hindi pa kayo kasal at kung ako ikaw, kalilimutan ko na ang ganyang balak. Talagang liable ka na idemanda ng una mong misis kung tatalikdan mo ang obligasyon mo sa inyong anak. Gusto ka pa yatang ipahamak ng second wife mo. Hindi selosa ang itatawag ko sa kanya kundi suwapang.

Humihingi ka ng payo kaya sa ganang akin, iwanan mo na ang kinakasama mo na baka maghatid sa iyo sa kapahamakan pagda­ting ng araw. Kaya lang, obligado ka na namang sustentuhan ang anak mo sa kanya.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with