^

Dr. Love

Nasa loob ang kulo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi po sa paborito kong Love counselor. Hope you’re in the finest shape at malayo sa ano mang panganib.

Tawagin mo na lang akong Lorraine, 22-anyos at isang call center agent. Sa opisinang pinagtatrabahuhan ko, may nakasama akong lalaki na sa una’y hinangaan ko dahil tahimik, matalino at laging subsob sa trabaho. Guwapo rin siya at maraming kababaihan ang attracted sa kanya.

Paminsan-minsan, napapansin ko ang mga panakaw niyang tingin sa akin. Siyempre, ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig. Secretly in my heart, nagwi-wish ako na sana’y mag-propose siya sa akin.

Until one day, may isang sulat na nakapatong sa aking mesa na mula sa kanya. Lalo naman akong na-excite kaya isinilid ko agad sa handbag ko habang nakatitig siya sa akin. Sabi ko sa sarili ko, sa bahay ko na lang babasahin.

Pagdating ng bahay, I was shocked by the content of the letter na puro kalaswaan. Hindi ko na sasabihin ang message pero nakaka-bastos which is enough para tabangan ang sino mang babae sa kanya.

Nalaman ko na hindi lang ako ang napadalhan ng ganoong sulat kundi kahit ang ibang babaeng co-worker ko. Mula noon ay asar na kaming lahat sa kanya and we feel uncomfortable kapag naririyan siya. Ano ang dapat gawin to get rid of him? Isinumbong na namin siya sa may-ari pero ngumiti lang, sinabing nagbibiro lang siya. Pinsan pala niya ang may-ari kaya ganoon. Please advice me.

Lorraine

Dear Lorraine,

Huwag ninyong itapon ang mga bastos na sulat mula sa kanya at yakagin mo ang mga kasamahan mong nakaranas ng kanyang pambabastos na magsampa ng demanda laban sa kanya.

Kung ayaw siyang aksyunan ng may-ari ng call center, may option kayong magdemanda, gamit ang bagong batas na Anti-Bastos Act. Ang mga ganyang uri ng tao ay dapat turuan ng leksyon para malaman nila na dapat nilang respetuhin ang ibang tao lalo na ang mga kababaihan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with