^

Dr. Love

Always tell the truth

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Aminado akong abusado ako. At ang hirap dito nasanay na akong hindi nagsasabi ng totoo.

Mula sa hinihingi kong allowance, mga extra curriculars activities ko, oras  nang pag-uwi, kahit ang tungkol sa relasyon ko ay punung-puno ng kasinungalingan.  Pang-umaga ako sa school namin, kaso gabi na rin ako umuuwi.

Minsan nga kasama ako sa mga na-televized na mga kabataang nahuli habang nagpa-party sa katanghaliang tapat.  Kahit na nagpalit ako ng t-shirt para hindi ma-obvious na senior high ako, bisto pa rin. Hiyang-hiya ako nang ipitawag kami ng principal sa school. Pero puro tanggi  pa rin ang ginawa ko, dahil ayaw ko mapahiya nang todo.

Ang hindi nila alam, mas malala ang problema ko. Dahil umamin sa’kin ang bf ko na may HIV siya. Minsan na kaming nagtalik. Tiyak na itatakwil nila ako dahil sa maling gawain ko. Sira ulo kasi itong bf ko kung sinu-ngaling ako, mas sinungaling pala siya. I hate him for not telling me the truth. Kaso ganun din naman ako. Pati nga parents ko nakuha kong lokohin.

Walang ka alam-alam ang parents ko sa tunay kong kalagayan. Hindi pa naman ako sigurado kong nahawa na nga ako ng HIV.

Dr. Love, sana magsilbing aral ito sa mga katulad kong kabataan na mahilig maglakwatsa at gawin ang anumang maisipan.

Cleofe.

Dear Cleofe,

 Mahirap para sa mga  magulang na tanggapin ang masaklap na katotohanan. Parang isang malaking tinik sa dibdib ang ginagawa mong pagsisinungaling sa kanila.

May pagkakataon ka pa, iha. Sikapin mong turuan ang iyong sarili to always tell the truth. Ipagdasal mo na hindi ka mag-positive sa HIV.

Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag mong ilugmok sa kasalanan ang iyong sarili. May awa ang Diyos.  Maging matatag ka!

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with