^

Dr. Love

Konsensya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana sa pamamagitan ng malaganap mong pitak ay magkaroon ng solusyon ang aking problema. Kung puwede ay ikubli mo na lang ako sa isang pseudonym. Tawagin mo na lang akong Rosabella. Hinabi-habi ko na lang ang ibang detalye ng aking kasaysayan dahil masisiwalat ang tunay kong pagkatao kung sasabihin ko ang mga eksaktong nangyari.

Dalawang taon na kami ng aking asawa at may isang anak. Ngayon ay buntis ako pero hindi sa asawa ko. Ang mas masaklap pa, ang ama ng aking magiging anak ay pinsang buo ng asawa ko.

Aaminin kong nagkagusto rin ako sa pinsan niya dahil guwapo at matipuno ang katawan. Nagpadala ako sa tukso na labis kong pinagsisisihan. Maaari ko nang itago habambuhay ang lihim na ito dahil ang pinsan niya na nakatalik ko nang isang gabi ay patay na. Namatay siya sa isang motorcycle accident habang papauwi mula sa inuman.

Limang buwan na nang mangyari yaon at ngayon nga’y nakatakda na akong manganak.

Sa tuwing idinidikit ng aking asawa ang kanyang tenga sa tiyan ko na tuwang-tuwa ay sinusumbatan ako ng aking budhi.

Ano ang maaari kong gawin para mawala ang sumbat ng aking budhi?

Rosabella

Dear Rosabella,

Ako man ay naguguluhan. Kung iyan ay ipagtatapat mo pa sa asawa mo ay malaking gulo ang malamang na mangyari. Kahit patay na ang kanyang pinsan ay kasusuklaman niya ito.

Higit sa lahat, posible ring kamuhian ka niya at tuluyang mawawasak ang inyong relasyon.  Malaki rin ang posibilidad na gawan ka niya ng masama kapag pinagdiliman ang kanyang isip. Magsisi ka nang taimtim sa Panginoong Diyos at humingi ng kaliwanagan sa pinapasan mong problema.

Kung minsan, kailangan nating magtago ng lihim para maiwasan ang malaking kaguluhang posibleng mangyari. Bumawi ka na lang sa pamamagitan ng pagpapakita ng ibayong pagmamahal sa iyong mister at maging matatag ka na sa susunod na mga pagkakataong dumaraan ka sa mga tukso.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

AKING

AKO

ANG

ANO

BUMAWI

DEAR ROSABELLA

DR. LOVE

PANGINOONG DIYOS

ROSABELLA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with