^

Dr. Love

Nagising sa katotohanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay hayaan mo muna akong bumati sa iyo. Harinawang datnan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Herminio, 26 anyos. Ako ay umiibig sa isang dance instructress na nagngangalang Vina, na nakilala ko minsang naaya akong mag-ballroom dancing ng  aking mga kaibigan.

Mula noon ay lagi akong tinatawagan ni Vina at kung may oras ako ay nagtutungo ako sa ballroom na iyon. Hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya.

Niligawan ko siya sa kabila ng pagtutol ng ilang kaibigan pati na ang aking mga magulang.

Sa uri daw ng trabaho niya ay malamang masisira ang aming pagsasama. Nagpakasal kami.

Sa una’y tumigil siya sa kanyang trabaho pero katagalan ay nagbalik din dahil hindi ko matugunan ang kanyang mga pangangaila­ngan. Malaki ang kita niya bilang tagapagturo ng sayaw.

Nalaman ko na lang na mayroon siyang sugar­ daddy. Naging dahilan ng madalas naming­ pag-aaway ang trabaho niya. Gusto ko nang humiwalay sa kanya. Ano ang dapat kong gawin?

Herminio

Dear Herminio,

Nang pakasalan mo siya ay alam mo ang klase ng trabaho niya. Pero dinaig ka ng iyong damdamin at pinakasalan mo siya. Ngayon, pinagsisisihan mo ang iyong ginawa.

Desisyon mo iyan kung hihiwalayan mo siya o hindi. Para maging legal ang inyong paghihiwalay, may option ka para sa annulment. Sa bagay na iyan ay abogado ang iyong dapat konsultahin.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR HERMINIO

DESISYON

DR. LOVE

HANGGANG

HARINAWANG

HERMINIO

MALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with