^

Dr. Love

Iniwan sa ere

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw po sa inyo. Ako po si James Malong, isang masugid ninyong tagasubaybay sa malaganap na column, Dr. Love.

Nakakahiya mang aminin, isa po akong inmate sa pambansang bilangguan at nagsisilbi sa hatol ng korte sa krimeng frustrated murder dahil sa sobrang pagmamahal sa girlfriend.

Ito po ang kinasadlakan ko ma­ta­pos sikaping isalba ang aking­ girlfriend na naaktuhan kong pi­napaibabawan ng isang kalugar na si Arman habang hawak naman ni Zaldy ang kanyang mga kamay.

Hindi ko po alam na may paltik si Zaldy na sinubukan niyang iputok sa akin kaya pilit ko itong inagaw at nagpambuno kami, na human­tong sa pagkaka-kalabit sa ga­tilyo at tumama kay Arman.

Palabas na kami noon ni Janel sa pinangyarihan ng krimen nang salubungin kami ng mga barangay tanod at iba pang opis­yal ng barangay. Nang kuyugin na ako para damputin ay bigla na lamang pong nawala sa eksena si Janel.

Kinasuhan ako ni Arman na naisalba ang sarili matapos ta­maan ng baril, kasama niya si Zaldy. Habang ako ay tuluyan nang iniwan sa ere ng aking girlfriend na lugmok at nakakulong ngayon.

Masaklap po para sa akin ang lahat pero kailangan magpatuloy. Nag-aaral po ako dito sa loob. Hanggang ngayon ay umaasa at naniniwala pa rin ako na susulpot si Janel para patunayan kung ano ang totoo.

Ang ilalambing ko lang po sa inyo, Dr. Love ay mailathala ang liham ko para magkaroon po ako ng kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

James Tadeus Malong

4 D College Dorm

Medium Security Compound

Camp Sampaguita

Muntinlupa City        

Dear James,

Wala namang ganap na makakasupil sa totoo, kaya magpa­tuloy ka sa iyong buhay. Pagbutihin mo ang sarili mo sa loob at sana ay makatagpo ka ng magiging ins­pirasyon mo sa iyong pagba­bagong-buhay.

DR. LOVE  

vuukle comment

AKO

ARMAN

CAMP SAMPAGUITA

D COLLEGE DORM

DEAR JAMES

DR. LOVE

JANEL

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with