^

Dr. Love

Alang-alang kay Jenny

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang dalagang ina at ang ama ng aking anak ay isang Tsinoy. Inayawan ako ng mga magulang ni Christian dahil hindi nila ako kalahi at binantaan siya ng mga magulang na itatakwil at hindi pamamanahan kung ako ay pakakasalan.

Ang masaklap na balitang ipakakasal si Christian ng kanyang mga magulang sa isang kauri nila ay ipinaabot niya sa akin nang may pangakong susuportahan niya ang aming anak na si Jenny. Pero matitigil aniya ang suporta sa sandaling mag-asawa na ako.

Natanggap ko ang kondisyong ipinataw ni Christian alang-alang sa kinabukasan ng aking anak. Regular ang pagtanggap ni Jenny ng sustento sa kanyang ama. Ang hindi niya nauubos na allowance sa bawat buwan ay ibinabangko ko para sa hinaharap.

Kahit may asawa na si Christian, regular din ang dalaw niya sa anak na ipinasok niya sa isang eklusibong paaralang Chinese. Kailangan anyang matuto ng kanilang lengguwahe si Jenny para matuwa ang kanyang parents.

Wala akong problema sa unang mga taon. Pero dumating si Dante sa buhay ko na handa akong pakasalan at maging ama ni Jenny. Hindi na kuntento si Dante sa lihim naming relasyon ay inaapura na niya akong magpakasal.

Inaalala ko po si Jenny na nakasanayan na ang paaralang pinapasukan at si Christian ang kinikilala niyang ama. Payuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Gumagalang,

Apple Pie

Dear Apple Pie,

Ikaw lamang ang makakapagtimbang ng sitwasyon ninyong mag-ina. Minsan ka nang nagkamali sa pagdedesisyon kaugnay sa lala­king iibigin. Kung nakakatiyak ka na tunay ang pagmamahal sa iyo ni Dante at magiging ma­buting adopted father siya para sa iyong anak, sumige ka.

Maiksi lang ang buhay natin, kaya sikapin natin na mabuhay nang masaya sa bawat pagkakataon. Isa pa ang pakikipagkasundo mo sa ama ng iyong anak ay mistulang bargain deal, na siya ang nakakalamang. Ang pagmamahal ay hindi nabibili, ito ang dapat mong ipamukha sa ex mo na hindi nagawang panindigan kayong mag-ina niya.  

DR. LOVE

 

vuukle comment

AKO

ANAK

APPLE PIE

DEAR APPLE PIE

DR. LOVE

GUMAGALANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with