^

Dr. Love

Pinauuwi na ni mister si misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mayroon po akong malaking problema nga­yon, pagpayuhan po ninyo sana ako.

Isa po akong OFW sa Middle East. Naka­isang taon na ako sa tatlong taon kong kontrata sa pamamasukan. Wala po akong problema sa mag-asawang amo ko pero sa kapatid ng amo kong babae meron.

Sa simula pa lang ng pagkikita namin ay nag­pakita na ito ng interes sa akin. At madalas sa pa­birong pagkakataon niya ipinahihiwatig ang kanyang pagkagusto sa akin.

Minsan po siyang bumisita, wala ang mag-asawang amo ko at pinagtangkaan niya akong yapusin. Tinakbuhan ko po siya at isinumbong sa amo kong babae. Naikuwento ko po sa aking asawa ang sitwasyon ko rito kaya pinauuwi na niya ako.

Pero ang inaalala ko po ay hindi pa ako ba­yad sa ginamit kong pam-placement fee, paano ko rin po matutugunan ang pangangailangan ng mga nag-aaral kong anak.

Sinubukan kong magpaalam sa babae kong amo, na kailangan kong umuwi ng Pilipinas dahil sa isang emergency. Pero hindi siya nani­wala. Kung ang pagpapaalam ko raw ay kaugnay sa pagbibiro ng kanyang kapatid, hindi na raw ito mauulit.

Ano po sa palagay ninyo, susundin ko po ba ang aking asawa? Hindi pa naman nauulit muli ang panghihipo ng kapatid ng amo ko.

Gumagalang,

Nerisa

Dear Nerisa,

Kung talagang nagnanais kang makauwi sa bansa pero ayaw kang pahintulutan ng iyong amo, makakahingi ka ng tulong sa emba­hada ng Pilipinas. Subukan mo na mailapit sa ka­nila ang problema mo sa iyong amo, baka may rekomendasyon sila na mas makakabuti sa iyo. Maaaring sa ibang employer para manatili pa rin ang oportunidad mong makabayad sa mga pinagkakautangan at makatulong sa iyong pa­milya.

Dr. Love

vuukle comment

AMO

DEAR NERISA

DR. LOVE

KONG

MIDDLE EAST

PERO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with