^

Dr. Love

Tutol ang magulang ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo at sa inyong mga taga­subaybay. Tawagin mo na lang akong Richard­, 21-anyos at isa lamang construction worker na walang pirmihang trabaho.

Mababa lang kasi ang aking tinapos. Second­ year high school. May itsura naman ako at tindig, at sa kasalukuyan mayroon akong girlfriend na isang anak mayaman.

Kapag lumalabas kami, laging siya ang taya dahil alam naman niya ang katayuan ko.

Pero nang ito’y malaman ng kanyang mga magulang ay pinaghigpitan na siya. Kapag pu­mapasok siya sa unibersidad ay lagi na siyang may bantay.

Langit at lupa kasi ang agwat namin at napakasakit nang ginagawang paghihigpit sa kanya ng mga magulang niya.

Ni-cellphone ay ayaw na siyang pagamitin ng mga magulang niya kaya wala na kaming komunikasyon. Ano ang dapat kong gawin?

Richard

Dear Richard,

Puwede mong gawing hamon sa buhay mo ang nangyayari sa iyo. Ayaw ng mga magulang ng kasintahan mo sa iyo dahil mababa ang iyong pinag-aralan at isa lamang cons­truction worker.

Siguro kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga magulang niya, ganun din ang gagawin mo dahil bawat magulang ay hangad sa kanilang mga anak ang magandang kinabukasan.

Bata ka pa Richard kaya sikapin mong ma­­katapos ng pag-aaral. Kahit mag-working student ka. Siguro’y medyo matagal ang pana­hong bubunuin mo pero pasasaan ba at maka­karaos ka rin.

Kung hindi mo makatuluyan ang girlfriend mo, marami namang babae riyan. Ang maha­laga, kung sino man ang makakatuluyan mo, dapat bigyan mo ng magandang kinabukasan pati na ang inyong magiging supling.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

AYAW

DEAR RICHARD

DR. LOVE

KAPAG

SHY

SIGURO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with