Naghahabol sa manliligaw

(The Philippine Star) - August 19, 2012 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ngayon ko po na-realize na sadyang nasa huli ang pagsisisi. Dahil kung kailan tinalikuran na ako ng matagal ko nang manliligaw na si Tonyo ay saka ko lang napagtanto ang kawalan niya sa buhay ko.

Malapit na magkaibigan po kami bago siya nanligaw. Dahil mas sanay na ako na magkaibigan lang kami, pabiro lang para sa akin ang panliligaw niya. Ang sabi ko pa noon, wala na yata siyang makitang ibang babae kaya ako ang niligawan niya.

Dalawang ulit na kasing na-reject si Tonyo ng mga babaeng nililigawan niya. Alam ko naman po sa sarili ko na mahal ko si Tonyo, pero ipinagwalang-bahala ko. Dahil sa pagbabakasakali na may darating pang iba. Mapili po kasi ako sa manliligaw.

At ngayon na kay Anita ang atensiyon niya ay nagkakaganito naman ako. Masakit po palang iwanan ng isang kaibigan at maibaling na sa iba ang panliligaw. Ano po ba ang dapat kong gawin, Dr. Love para maibalik ang atensiyon sa akin ni Tonyo? Hindi po ba lalabas na kahiya-hiya kung ako naman ang siyang maghabol ngayon? May pride din naman ang isang babaeng tulad ko.

Maraming salamat at more power.

Sincerely,

Didith

 

Dear Didith,

Hindi mo naman kailangang ibaba ang iyong sarili kapalit ng gusto mong bumalik sa iyo ang atensiyon ng iyong manliligaw. Dahil kung para kayo sa isa’t isang, kahit ilan pa ang makilala niyang babae ay mananatiling ikaw pa rin.

Hindi ka pa naman siguro naghahabol ng biyahe para madaliin ang bahaging ito ng iyong buhay. Take your time, dahil marami ka pang makikilalang lalaki at isa doon ang itinakda para sa iyo.

Sa ngayon, paunlarin mo ang iyong sarili at ipaubaya si Tonyo kung saan niya inaakalang liligaya siya.

Dr. Love

AKO ALAM ANITA ANO DAHIL DALAWANG DEAR DIDITH DIDITH DR. LOVE TONYO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with