^

Dr. Love

Adik ang boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo ng isang mainit na pagbati. Susan po ang pangalan ko, 46 anyos at namumroblema sa anak kong babae.

Mahirap lang kami at naninirahan sa isang squatter area dito sa Tondo.

Ang anak ko ay 17 anyos lang at may boyfriend na isang sanggano at addict. Pinag­baba­walan ko siya at pinagsasabihan pero hindi maawat.

Ang pangamba ko, lagi siyang nawawala kapag gabi at madaling araw na umuuwi. Kinagalitan ko siya at pinalo, bagay na ikina­galit niya at siya ay naglayas.

Nabalitaan ko na lang na nagsasama na sila ng sanggano niyang boyfriend. Ano ang gagawin ko? Hirap na hirap na ako sa kaka­isip.

Susan

Dear Susan,

Menor de edad pa ang anak mo at may po­der ka pa sa kanya. Pero mukhang mahirap iyan lalo pa’t love affair ang pinag-uusapan.

Gayunman, nakakatakot na nakikipag-live-in siya sa isang sanggano at addict. Baka mapa­hamak siya.

Nasaan ang asawa mo? Siya ang dapat tumulong sa iyo sa problemang ito. Kung hindi dumulog ka sa mga alagad ng batas at hu­mingi ng tulong.

Dr. Love

               

vuukle comment

ANO

BUMABATI

DEAR SUSAN

DR. LOVE

GAYUNMAN

HIRAP

KINAGALITAN

MAHIRAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with