^

Dr. Love

Huwag mag-apura

-

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang tagasubaybay ng inyong column. Sumulat po ako kasi tulad ng iba gusto ko rin humingi ng payo sa inyo.

Ako po ay may boyfriend. Siya ay hiwalay sa asawa. Labing-dalawang taon na ang nakalipas noong kami ay magkakilala. Ina­ayos po niya ang kanilang annulment ngunit ang kanya asawa ay nasa Canada. Matagal nang hindi umuwi kaya hindi maayos ang kanilang annulment.

Ngunit noong nakaraang buwan, biglang dumating ang kanyang asawa at nagpagawa ng affidavit sa kanyang abogado at ang nakasaad ay pinapahintulutan na siyang mag-asawa ng iba.

Ang tanong  ko po ay kung kami ay pwede nang magpakasal kahit na hindi pa annul ang kanilang kasal?  Maraming salamat po, sana mapayuhan ninyo ako.

Anonymous

 

Dear Anonymous,

Hindi ako abogado pero tiyak ko na hindi pa kayo puwedeng magpakasal dahil hindi pa nalulusaw ang naunang kasal ng iyong boyfriend.

Kahit gumawa pa ng kasulatan ang kanyang unang asawa, hindi dahilan ito upang payagan kang magpakasal sa ilalim ng batas.

Tutal payag na naman ang misis ng boyfriend mo na maghiwalay sila, eh ‘di asikasuhin na ang annulment. Huwag kang mag-aapura at bayaan mong dumaan sa legal na proseso ang lahat para walang problema.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ANONYMOUS

DR. LOVE

HUWAG

INA

KAHIT

LABING

MARAMING

MATAGAL

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with