^

Dr. Love

Kung nagtaksil, limutin

-

Dear Dr. Love,

Pleasant greetings. Tawagin mo na lang akong Irwin. Hindi ako nakatapos ng kursong medicine dahil itinanan ko ang babaeng mahal ko.

Kaso, hindi pala ako liligaya sa babaeng minahal ko dahil nagtaksil siya sa akin. Kahit hindi kami kasal ay nagsikap ako para sa kinabukasan namin. Nagtrabaho ako bilang medical representative na nagbebenta ng gamot. Madalas ay out of town ako. Kung minsan isang linggo, depende sa lugar na pupuntahan.

Wala pang isang taon ang pagsasama namin ni Anne. Nabalitaan kong nahumaling siya sa ibang lalaki. Hanggang minsang umuwi ako ay wala na siya at nag-iwan ng sulat na na-realize raw niya na iba ang mahal niya.

Masakit ang dinaranas ko ngayon. Nagbalik ako sa aking mga magulang at nagsisisi. Gusto nila na mag-aral akong muli pero hindi ako maka-focus.

Pagpayuhan mo sana ako.

Irwin

Dear Irwin,

Titigil na ba ang daigdig sa pag-ikot dahil sa karanasang iyan? Unfair. Habang ‘yung babae ay maligaya sa piling ng ibang lalaki, ikaw naman ay nagmumukmok na daig pa ang isang patay.

Limutin mo siya dahil hindi ka nagiging patas sa iyong sarili. Alam kong mawawala rin ang pagkabalisa mo sa usaping iyan at kapag naghilom na ang sugat mo ay magbalik ka sa pag-aaral.

Tutal hindi ka naman kasal sa babaeng iyon. Next time na manligaw ka, tingnan mong mabuti ang background.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

DEAR IRWIN

DR. LOVE

HABANG

HANGGANG

IRWIN

KAHIT

KASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with