^

Dr. Love

In love kay Ma'm

-

Dear Dr. Love,

Salamat sa pagtugon mo sa aking sulat. Call me Brian, 13 years old at first year sa high school.

I know na sa edad ‘kong ito, binatilyo pa lang ako pero hindi pa ako nagka-crush sa mga babaeng ka-age ko.

I just found out na in-love ako sa aking English and literature teacher. Ewan ko ba pero palagi akong natutulala sa harap niya at hindi ako makapag-concentrate.

Pinadalhan ko siya ng love notes. Sabi ko, Ma’m love kita. ‘Yun lang.

Matapos ang klase ay pinaiwan niya ako. Akala ko’y magagalit siya. Pinagsabihan niya ako na mag-focus sa pag-aaral. Hindi siya nagalit. Ibig bang sabihin nito’y may gusto rin siya sa akin?

Brian

Dear Brian,

Thirteen years old ka lang at siguro, nasa past 20s ang teacher mo. Infatuation lang iyan and it is not really love.

I doubt kung may gusto rin ang teacher mo sa iyo. Marahil, pinagsasabihan ka lang na huwag hayaang ma-distract ang isip mo dahil makakaapekto ito sa pag-aaral mo.

Lilipas din iyan Brian pagdating ng araw. Kapag mature ka na, baka mapa­ngiti ka lang sa sarili mo kapag naaalala mo ang bagay na iyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR BRIAN

DR. LOVE

EWAN

IBIG

KAPAG

LANG

LILIPAS

LOVE

MARAHIL

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with