^

Dr. Love

Nasalisihan

-

Dear Dr. Love,

Kung mayroong salisi gang na pumapasok ng mga tahanan para mangulimbat, mayroon ding sumasalisi sa dapat sana’y matahimik na pagsasama ng mag-asawa. Ito ang nangyari sa akin kaya ako nakapatay. Watch full video

Akala ko maligaya sa piling ko ang aking asawa, Dr. Love. Wala akong bisyo, mapagmahal na ama at masipag sa pagtatrabaho sa pag-asang makakaahon din kami sa hirap kapag naigapang ko ang pag-aaral ng aming dalawang anak.

Madalas akong mag-overtime sa pabrika, lingid sa akin na habang ginagawa kong araw ang gabi para makapaghanap-buhay ay suma­salisi naman ang aking pinsan sa misis ko at sa mismong bahay namin nila ginawa ang kataksilan.

Naaktuhan ko sila nang minsan mapaaga ako ng uwi. Sa silakbo ng galit, sinugod ko ang aking asawa at ang kalampungan niyang lalaki sa aming silid. Binulaga ko ng saksak ang lalaki, na kalaunan ay nakilala kong pinsan ko pala. Napuruhan ko siya sa puso kaya hindi na umabot sa ospital.

Nasentensiyahan ako ng maikling pagka­kulong dahil naaktuhan ko ang pagtataksil na isang mitigating circumstance. Napagsilbihan ko na ang hatol at ngayo’y nagbabagong-buhay kami ng aking mga anak sa lugar na pinag­­ lipatan. Salamat na lamang sa aking pamilya na siyang sumuporta sa amin.

Pero kung minsan, Dr. Love sumasagi sa isip ko na kung hindi marahil ako naging ambisyoso kumita ng malaki, hindi siguro mangu­ngulila ang misis ko. Maraming salamat po at more power.

Jojo ng Pangasinan

 

Dear Jojo,

Hindi mo dapat na sisihin ang sarili sa pagiging masigasig mo sa trabaho. Dahil ang tanging intensiyon mo ay para sa magandang kinabukasan ng iyong mag-iina.

Kung nagawa mo lang sanang makontrol ang sarili, hindi sana nadungisan ang iyong mga kamay. Gayunman, hangad ng pitak na ito ang ganap na pagbabagong-buhay ninyong mag-aama.

Dr. Love

vuukle comment

BINULAGA

DAHIL

DEAR JOJO

DR. LOVE

GAYUNMAN

JOJO

MADALAS

MARAMING

NAAKTUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with