^

Masakit ang reyalidad

() - March 17, 2011 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, nais kong ipaabot sa inyo ang taos-puso kong pangungumusta at pagbati sa walang sawa ninyong pagbibigay payo sa lahat ng lumiliham sa inyo. May idudulog din po ako. Umibig po ako sa isang babaeng may napakalayong agwat ng estado sa buhay. Alam ko Dr. Love, na hindi ko maaabot kailan man ang panukat ng pamilya ni Chay at maging akma sa mundong ginagalawan niya.

Naniwala ako na mahal din niya ako at hindi hadlang sa pag-ibig ang antas ng pamumuhay. Pero hindi ko na po matagalan ang sitwasyon ko lalo sa paningin ng kanyang partido. Kaya kinausap at ipinaliwanag ko ang reyalidad sa pagitan namin. Sa huli ay tinawag niya akong duwag.  Hindi ko na pinansin iyon dahil alam ko na pasasalamatan pa ako ni Chay sa pagpapalaya ko sa kanya balang araw.

Sa ngayon, nagsisikap pa rin akong maabot ang aking mga pangarap sa buhay. Tapos na ako ng aking karera sa tulong ng pagtataguyod ng aking mga magulang na ang tanging alam ay edukasyon ang susi sa tagumpay. Lalong hindi ko na maabot ngayon si Chay. Isa na siyang doktor na nagpakadalubhasa sa ibang bansa.

Pareho pa kaming walang asawa. Kapwa kami nakapako sa aming propesyon.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Truly yours,

Johnny

 

Dear Johnny,

Mayroon kang matatag na prinsipyo sa buhay at hanga ako sa paggamit mo ng sintido- kumon sa pagtimbang ng mga pangyayari bago gumawa ng desisyon.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil nakatapos ka na at may tsansa nang magkaroon ng magandang buhay. At batid mo na wala pa ring asawa ang iyong nilayuang nobya, wala namang masama kung subukan mong magkaroon ng karugtong ang nakaraan. Anong malay mo, baka hinihintay ka niya?

Walang masama kung susubukan. Balitaan mo na lang ako. Good luck!

Dr. Love

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa LibNGAYON@philstar.ne.ph. Maaari nang mapanood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

AKO ALAM DEAR JOHNNY DR. LOVE LIBANGAN SECTION LOVE PERO PORT AREA RAILROAD STS ROBERTO S
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with