^

Nahihiwagaan sa boyfriend

() - March 16, 2011 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Greetings to you and your staff. Tawagin mo na lang akong Herminia, 20-anyos. May boyfriend ako at itago mo na lang sa panga­lang Andi. Mag-iisang taon na kami pero nahihiwagaan ako sa kanya.

Nakilala ko lang siya sa facebook at mula noon ay nagpalitan na kami ng text messages hanggang sa magkita kami.

Wala siyang sinasabi tungkol sa kanyang pamilya at ilang beses ko nang sinabi na gusto­ kong makilala ang mga parents niya pero parang umiiwas siya.

Nagmamahalan kami at mga twice ko nang naipaubaya sa kanya ang sarili ko. Pero nitong mga nakaraang araw ay ayaw ko nang sumama sa kanya kapag nagyayayang mag-motel kami.

Natatakot na kasi ako Dr. Love dahil baka may asawa na siya. Kung makikipag-break ako sa kanya ay papaano na ako? Siya ang unang lalaking nakakuha sa akin.

Tulungan mo sana ako at pagpayuhan.

Herminia

 

Dear Herminia,

Pambihira ka naman. Ngayong naibigay mo na nang dalawang ulit ang pagkababae mo sa kanya ay ngayon ka nakadama ng takot na baka may asawa siya? Hindi mo ba naisip iyan sa simula? Well, obvious na hindi.

Aba, dapat ka talagang matakot maliban na lang kung babae kang “just-just” ibig sabihin basta-basta.

Kaso bakit tila ngayon ka lang nakapag-isip-isip nang ganyan? Dapat noon ka pa nag­­hinala dahil masyadong malihim ang boyfriend mo.

Huwag ka nang maghintay na mabuntis ka niya. Mag-imbestiga ka para malaman mo ang buong pagkatao niya kung ayaw niyang magsalita.

Dr. Love

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph. Maa­ari nang mapanood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

AKO DEAR HERMINIA DR. LOVE HERMINIA LIBANGAN SECTION LOVE NANG PORT AREA RAILROAD STS ROBERTO S
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with