^

Anak sa labas

() - March 10, 2011 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ikinararangal ko po na makabilang sa napakarami ninyong tagasubaybay at tagahanga ng inyong column.

Nais ko po isangguni ang problema ko sa mungkahing pagkupkop naming ng asawa ko sa anak niya sa ibang babae.

Mas bata po ang asawa ko kaysa sa akin, pero hindi ito naging problema sa amin. Wala rin akong kuwestiyon sa katapatan ng asawa ko hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan. Nalaglag ang ipinagbubuntis ko, kasunod nito ang katotohanan na hindi na ako makapagdadalan-tao muli dahil masyadong mababa ang aking bahay-bata.

Sa panahong ito, ipinagtapat niya na mayroon siyang nabuntis noon at kung mamarapatin ko raw, nais niyang kunin namin ang bata na ina­a­yawan ng bagong asawa ng kanyang dating nobya.

Mabigat ito sa loob ko pero hindi na ko magbubuntis at nais ko maging maligaya ang mister ko. Payuhan mo po ako.

Mahigit na dalawang taon na ang batang babae. Hintay ko po ang inyong payo para makabuo ako ng aking desisyon.

Maraming salamat po at more power.

Lubos na sumasainyo,

Concha

 

Dear Concha,

Hindi naman masamang kunin ninyong mag-asawa ang anak ng mister mo sa ibang babae, ngayong nangangailangan ang bata ng kakalinga sa kanya.

Ang asawa mo kamo ang siyang sumusustento sa bata at hindi maipagkakaila na mahal niya ang anak niya kaya’t hindi niya kinakaligtaan ang responsibilidad niya dito.

Para sa kaligayahan ng asawa mo at kapa­yapaan ng kalooban  mo, hindi mo dapat na ipag­ kait na mapalaki ang isang bata ng sarili niyang ama, kahit pa ito ay hindi mo anak. Hindi mo rin dapat na ipagkait sa sarili na maging isang ina kung aariin mong parang tunay na anak ang batang ito.

Hindi imumungkahi ito sa iyo ng asawa mo kung hindi mataas ang pagkilala niya sa iyo at dahil nakikita niyang uunawain mo siya.

Sana, maging maligaya ang inyong tahanan­ ngayong magkakaroon na kayo ng anak.

Dr. Love

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.pho sa drlovepsn@gmail.com. Maaari nang mapanood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

ASAWA DEAR CONCHA DR. LOVE LIBANGAN SECTION NIYA PORT AREA RAILROAD STS ROBERTO S
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with