^

Dr. Love

Saka na magbabago

-

Dear Dr. Love,

Sa pagtanggap n’yo po sa liham na ito, sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Watch full video

Itago n’yo na lang ako sa pangalang, Cheska Lim  ng  Palawan, 25 years old, hiwalay sa asawa  kong si Vaynard, 23 years old. May tatlong kaming anak.

Ang problema ko sa asawa ko, nangako siya na magbabago sa 2012— hindi na magbabarkda at hindi na iinom ng alak. Kahit apat na buwan na kaming magkahiwalay may kominikasyon pa rin kami. May time na kinaiinisan ko kapag magka-text kami dahil galit siya at nagmumura. Kapag hinihiram ko cell phone niya ayaw niya. Parang may tinatago siya. ‘Yun pala kasali siya sa clan ng  kumpare ko pero may tagasabi sa akin kung may bago na  ba siyang girlfriend o wala. Wala naman daw.

Isang beses nagpalit ako ng sim na ‘di niya alam, nakipag-textmate ako, nag-reply siya na ‘di ko kailangan ng textmate, trabaho kailangan ko. ‘Yun lang ang reply niya, kinukulit ko ng kinukulit hindi talaga siya nagre-reply.

Ano po dapat kong gawin Dr. Love, pagbibigyan ko po ba siya o kakalimutan na? Hanggang dito na lang, maraming salamat po.

Cheska Lim  Palawan  

Dear Cheska,

Pambihira. Magbabago nga, nagbigay pa ng timetable na hanggang 2012 as if hindi pa siya nagsasawa sa mga kalokohang ginagawa niya ngayon?

Naniniwala ako sa pagbibigay nang second chance sa sino man na nangangakong magbabago, pero ang pagbabago ay dapat gawin agad. Isa pa, kung talagang ibig niya na tanggapin mo siyang muli, hindi ka niya pagsasalitaan ng masasakit na salita.

Nalulungkot ako at nagkahiwalay kayo. Hindi mainam iyan lalu pa’t may mga anak na kayo. Walang masama kung mag-uusap kayo ng sarilinan para pag-usapan ang problema. Panindigan mo na kung magbabago siya, huwag siyang magbibigay ng taning na hanggang sa isang taon. Gawin niya ang pagbabago ngayon ora mismo. Sapagkat ang taong seryosong magbago ay hindi na nagpapaliguy-ligoy pa.

Dr. Love

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa LibNGA[email protected]. Maaari nang mapanood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

vuukle comment

CHESKA LIM

DEAR CHESKA

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with