^

Hinihintay si Mr. Right

() - March 4, 2011 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isang magandang pagbati po ang nais kong iparating sa inyo. Hindi nakukumpleto ang araw ko kapag ‘di ko nababasa ang column n’yo. Ang galing n’yo po sa pagbibigay ng advice. Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Dreams, 22. Watch full video

Hindi ko man po matatawag na problema ito pero bakit po ganun, Dr. Love… after ng almost 4 years relationship ko sa ex-boyfriend ko eh wala na akong naging matinong relasyon?

Sa ngayon po ay nakalimang boyfriend na ako pero lahat po ‘yun ay dumating sa point na may panlolokong naganap. Maganda naman po ako, mabait at stick to one pero bakit po ganun? Malaki po bang factor ang pagiging strong personality ko kaya sila ganun o sadyang ‘di lang po sila makuntento kung anong meron sila? Kini­kilala ko naman sila Dr. Love pero kapag tuma­gal na eh nag-iiba sila.

Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan na kaedad ko. Ito po ang email add ko dreamsaremade0908@yahoo.com. Maraming salamat po! More power!

Sincerely yours,

Dreams

Dear Dreams,

You’re only 22 at hindi ka pa naman lubhang matanda para magmadali. Just be patient sa paghihintay ng “Mr. Right” sa buhay mo. Ang mahalaga, hindi mo ipinauubaya nang ganap ang iyong pagkababae sa mga nakakarelasyon mo dahil maraming lalaki ang inaayawan na ang babae kapag natikman na.

Well, probably, tama ang sinabi mo na baka napaka-strong ng personalidad mo kaya nanliliit sa iyo ang isang lalaking nauugnay sa buhay mo. In which case, dapat makatagpo ka ng isang lalaking mas dominante ang personalidad. Sa tingin ko ay ikaw ang umaayaw kapag nakita mo na ang isang lalaki’y nadodomina mo.

Tama rin naman iyan dahil ang lalaki, ayon sa Bible ay dapat siyang maging “ulo” ng pamilya at hindi ang babae. Just be patient and wait at darating­ din ang angkop na lalaki sa buhay mo.

Dr. Love

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph. Maaari nang ma­pa­nood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

DR. LOVE ISANG ITAGO LIBANGAN SECTION LOVE MR. RIGHT PORT AREA RAILROAD STS ROBERTO S
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with