^

Dr. Love

Takot manganak

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Regards to everybody at PSN. Watch full video

Itago mo na lang ako sa pangalang Edwin, nasa mid 30’s ang edad at kasalukuyang nag­lilingkod sa isang kumpanyang dayuhan sa bansa.

Gusto ko po ibahagi ang pinagdaraanan namin ng aking asawa. Sa limang taon naming­ pagsasama wala pa kaming anak.

Walang problema sa kalusugan namin o maging sa pinansiyal, natuklasan ko na lang na ang problema ay nasa bahagi ng misis ko. Ayaw niyang magbuntis dahil takot siyang manganak.

Inamin niyang nagko-contraceptive siya para hindi mabuntis. Hindi ako makapaniwala. Pero ang payo ng mga kaibigang doctor ay unawain ang aking misis dahil dumaranas ito ng trauma dulot nang nasaksihang pagka­matay dahil sa panganganak ng pinsan niya.

Humingi na akong saklolo sa mga biye­nan ko na tulungan ako na mabigyan ng kaliwanagan ang asawa ko tungkol sa panga­nganak, ipinaaalaga ko na rin siya sa doctor para tuluyan nang mawala ang trauma niya.

Sa kabila ng lahat, hindi ko po magawang magalit sa misis ko, ni-hanapin sa ibang babae ang wala sa kanya.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy na pagtatagumpay ng inyong column.

Gumagalang,

Edwin

 

Dear Edwin,

Maraming salamat sa liham mo. Hinaha­ngaan­ namin ang katapatan at pagmamahal mo sa kabiyak. Kaunting tiyaga na lang at pasasaan ba at magagapi rin ng iyong misis ang takot sa pagsisilang ng sanggol.

Sa tulong ng makabagong siyensiya at medisina, matutulungan ang asawa mo na malimot ang matagal niyang dinalang lihim na takot sa panganganak.

Busugin mo siya sa pang-unawa at pagmamahal. Sikapin mo rin na makakausap siya ng mga babaeng walang naging problema sa panganganak para ma-inspire siya. At magkaroon ng ideya sa kumpletong kaligayahan na naidudulot ng mayroong anak o mga anak.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

BUSUGIN

DEAR EDWIN

DR. LOVE

EDWIN

GUMAGALANG

HINAHA

HUMINGI

MARAMING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with