^

Dr. Love

Gustong kontrolin ng ex-husband

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa’yo Dr. Love, tawagin mo nalang akong Arlyn. Hiwalay po ako sa asawa 2 years ago, sa kadahilanang nagkaroon siya ng ibang babae. Bago po ako umalis patungo sa ibang bansa, inamin niya sa’kin na may babae siya at ito ay buntis. Sa mga oras po na iyon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko po ay sinakluban po ako ng langit at lupa. At gumuho lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko.

Taong 2009, tinuloy ko pa rin po ang pag-alis ko para makalimot sa nangyari sa pamilya ko. Pagkalipas ng ilang buwan, ibinalita sa’kin ng pinsan ko na inoperahan ‘yung anak ko. Nagpaalam ako sa amo ko na kung puwedeng umuwi ako ng Pilipinas. Pinayagan naman ako. Nagkita kami ng ex-husband ko. Nakiusap siya na kung puwede mag-usap kami para daw maayos ‘yung problema namin. Pumayag ako para matapos na ang lahat. Pero iba ang nangyari, gusto lang niya na hawakan at kontrolin ang buhay ko. Hindi rin siya nagbibigay ng sustento sa tatlong anak namin.

Dr. Love pagpayuhan po ninyo ako, ano po ba dapat ‘kong gawin? Kahit po nilalayuan ko na po siya, ayaw po niya akong tigilan at palayain gayung nakikisama pa rin siya sa kinakasama niya. Nasaktan po talaga ako sa ginawa niya na pag-iwan niya sa’min ng mga anak ko. At sana rin po mabigyan po ninyo ako ng kaibigan sa inyong pitak.

Arlyn Angeles

#075 Matadero St.

Cabanatuan City N.E

09297566702

 

Dear Arlyn,

Sa tingin ko, ang problema mo’y nangangailangan ng legal action. Kung mapapatunayan na talagang nakikisama sa isang bubong ang iyong asawa sa ibang babae, he is liable for concubinage o pangangalunya. Sa kasong iyan, ikaw lamang ang puwedeng magsampa ng demanda.

Puwede rin siyang ihabla ng abandonment kung totoong wala siyang sustentong ibinibigay para sa inyong anak. Hindi ako abogado kaya isangguni mo rin ang problema sa isang maalam sa batas. Sabi nga ng kaibigan natin at kolumnistang si Atty. Jose Sison “Kapag may katuwiran, ipaglaban mo!”

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

ARLYN ANGELES

CABANATUAN CITY N

DEAR ARLYN

DR. LOVE

JOSE SISON

LIBANGAN SECTION

MATADERO ST.

RAILROAD STS

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with