^

Dr. Love

Wanted: Ideal partner

-

Dr. Love,

Hello, tawagin mo na lang akong Len. Matagal ko nang sinusubaybayan ang mga articles mo sa tabloid at gustong ibahagi ang aking mga sen­timyento. Ilang taon na rin akong single. Hindi ako kailan man ikinasal at walang anak. Dahil single, suportado ko ang aking pamilya.

Nagkaroon ako ng seryosong relationship noon pero hindi ito nauwi sa kasalan. Ngayon ay 35 years old na ako at gusto na ng pamilya ko na harapin ko naman ang sarili kong buhay.

Pero sa kasamaang-palad, hindi ko pa makita ang aking match. Masyado pa akong mapili o kailangan ko lang hintayin ang nakatakda para sa akin? Handa na ako para sa aking right man. Sinusubukan ko ngayon ang swerte ko sa iyong column. Sana makatagpo ako dito ang SINGLE na match ko. Paki-publish po ang email add ko. Maraming salamat at more power!

Sincerely,

Len

[email protected]

Dear Len,

Salamat sa iyong liham Len. Sana nga ay ma­katagpo ka ng isang ideal partner sa pama­magitan ng kolum na ito.

Hindi mo naitatanong, may ilan na ring couples o mag-asawa na pinagtagpo ng kolum na ito. Ang iba ay may mga anak na.

Umaasa ako na makatatagpo ka ng isang lifetime partner na compatible sa iyo at tunay mong mamahalin.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR LEN

DR. LOVE

HANDA

LEN

LIBANGAN SECTION

RAILROAD STS

ROBERTO S

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with