^

Dr. Love

Kapag anak ka ng Diyos

- Ni Rosbero Quinzon -
Nang malaman ko na ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay ipinagkakaloob din Niya sa sinumang tumatanggap sa Kanya bilang sariling Tagapagligtas, Diyos at Panginoon sa Kanyang buhay, sinubukan ko ito sa daga.

Sa aking palagay, ang daga ay mailalarawan kay Satanas dahil ito’y nagdadala ng iba’t ibang sakit sa tao. Sa aming tahanan, may mga daga na pumapasok dahil dikit-dikit ang mga bahay dito. Minsan, may daga akong nakita na pumaroon sa aming basura at isinumpa ko agad siya.

"Sinabi ko, sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, ikaw daga ay mamamatay." Iyon nga ang nangyari sa daga. Namatay ito at natuklasan lang namin ito pagkaraan ng ilang araw dahil sa mabahong amoy nito.

Kaya pinatingnan ko sa aking asawa kung nasaan nanggagaling ang masangsang na amoy. Nakita niya ang unti-unting nabubulok na daga na naipit sa kahoy sa ilalim ng aming lababo.

Ang pangalawang pangyayari ay nang masira ang dryer ng aming washing machine. Pinatingnan ko agad ito sa repairman. Sinabi nito na wala kaming dapat alalahanin dahil ang switch lamang ng washing machine ang sira. Pinalitan agad niya ang switch at ito’y gumana agad. Pero pagkaraan ng ilang linggo, nasira na naman ito.

Ipinatawag ko uli ang repairman at ang sabi niya, motor na ng washing machine ang sira. Hahanapan pa raw niya ng motor dahil medyo may kamahalan ito. Itinabi ko na lang muna ang aming washing machine habang naghahanap pa ng motor ang taong nag-aayos.

Pagkaraan ng mga ilang araw, hindi pa dumarating ang taong nag-aayos. Bigla na lamang sumagi sa aking isip na pagsabihan ko ang washing machine na ito’y gumana. Ito nga ang ginawa ko. Inatasan ko ang sirang washing machine na ito’y umandar sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Pagkatapos kong sabihin ito, nilagyan ko ng damit ang dryer at sini-switch ko ito.

Bigla na lamang umandar ang dryer at hanggang ngayon ay hindi pa ito nasisira. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo na ang mga anak ay may taglay na kapangyarihan galing sa Kanya. Ang gawin lamang natin, gamitin natin ito para sa kapurihan at kaluwalhatian Niya.

Ate Mita ng Valenzuela, Bulacan.


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

vuukle comment

ATE MITA

BIGLA

BULACAN

DAGA

KANYA

NIYA

PANGALAN

PANGINOONG JESU-CRISTO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with