^

Dr. Love

Boyfriend o pag-aaral?

-
Dear Dr. Love,

A very pleasant and blessed day to you and all of your avid readers. Just call me Liza, 19-anyos at kumukuha ng physical therapy. I took up this course dahil alam kong maganda ang prospect na makapagtrabaho sa ibang bansa. Gusto kong makatapos at mag-abroad para matulungan kong maihango sa hirap ang pamilya ko.

Mahirap lang kami. Nagkataong may kaibigan ang Papa ko na mayaman. Best friend niya ito at parang kapatid ang turingan nila. Siya ang nagtaguyod sa aking pag-aaral.

Pero mahigpit niya akong pinagbilinan na huwag makikipag-boyfriend habang nag-aaral ako. Pag natapos daw ako, bahala na ako sa buhay ko. Basta ang importante raw ay mag-aral akong mabuti. Iyan ang kondisyon ng kaibigan ng Papa ko.

Pero ngayong ako’y nasa second year college na, may nanliligaw sa akin na nagpatibok ng aking puso. Sinabi ko na sa kanya na hindi pa ako handang makipag boyfriend dahil sa kondisyong nasabi ko na.

Sabi niya sa akin, puwede naman namin itong gawing lihim. Sinagot ko siya. Gusto niya na lagi kaming nagdi-date. Pinauunlakan ko siya pero hanggang kain lang sa labas at panonood ng sine.

Lately, gusto niyang mag-motel kami. Masyado siyang nagiging demanding. Natatakot ako na baka mapagbigyan ko siya sa kabila ng aking pagpipigil. Mahal ko kasi siya.

Ano ang gagawin ko?

Liza


Dear Liza,


Ano ang importante sa iyo, pag-aaral o boyfriend? Kung boyfriend ang pipiliin mo, malamang masira ang iyong ambisyong makapag-abroad lalo pa’t masyadong demanding ang kasintahan mo. Paano kung mabuntis ka? Huwag mong pairalin ang emosyon mo.

Kung mahal ka ng kasintahan mo, puwede siyang maghintay at pabayaang maabot mo ang gusto mong abutin. Kung magpupumilit siya, isa lang ang ibig sabihin. Katawan mo lang ang gusto niya kaya layuan mo ang lalaking iyan.

Mag-isip-isip ka. Maraming lalaking matino diyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR LIZA

DR. LOVE

HUWAG

IYAN

KATAWAN

MAHIRAP

MARAMING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with