^

Dr. Love

Gumawa ng himala ang Panginoong Jesus sa akin

- Ni Rosbero Quinzon -
Noong nakaraang linggo, ako’y nagpa-checkup sa OB-Gyne sa UERM, Quezon City. Ang findings ng doktor na tumingin sa akin ay kulang ang tubig sa panubigan ko kung kaya’t ang sanggol sa aking sanapupunan ay malamang na magkaroon ng deformity kapag siya ay isinilang.

Ayon pa sa doktor, nauuna ang paa ng sanggol sa halip na ulo kaya ipinayo niya sa akin na dapat akong maoperahan ka agad para maagapan at mailigtas ang sanggol sa tiyak na kapahamakan.

Nang marinig ko ito, ako’y luhaang umuwi sa amin kasama ang nakakabata kong kapatid na babae. Puspusan at mataimtim kong ipinanalangin sa Panginoong Jesu-Cristo na damihan Niya ang tubig sa panubigan ko at mauna ang ulo hindi ang mga paa ng sanggol sa sinapupunan ko. Ipinanalangin din ako ng aking kapatid para sa kaligtasan ko at ng sanggol.

Bumalik kami sa ospital para sa follow-up check-up dahil kapanganakan ko na. Sabi ng doktor sa akin, na ito’y himala at tama na ang tubig sa panubigan ko at nauuna na ang ulo ng bata.

Nang marinig ko ang sinabi ng doktor, laking tuwa ko at pasasalamat sa Panginoong Jesu-Cristo na gumawa ng himala para mailigtas ako at ang anak ko. Sa linggong ito, kapanganakan ko na at hindi na ako maooperahan kundi normal delivery na. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesus dahil sa Kanyang katapatan at kabutihan hindi lamang sa akin kundi pati na sinumang lumalapit at humihingi ng tulong sa Kanya.

Ate Maribel Bautista ng Pasig
* * *
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

vuukle comment

ATE MARIBEL BAUTISTA

AYON

BUMALIK

CAINTA

IPINANALANGIN

KANYA

NANG

PANGINOONG JESU-CRISTO

PANGINOONG JESUS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with