^

Dr. Love

Dalaginding pa ang gusto kong ligawan

-
Dear Dr. Love,

Una po, isang magandang araw sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.

Hindi ninyo naitatanong, masugid akong tagasubaybay ng pahayagang ito at ng inyong column. Sana po, huwag kayong manghinawa sa pagbibigay ng payo sa mga tulad kong may problema sa puso.

Ang suliranin ko po ay tungkol sa babaeng gusto kong ligawan. Wala pong problema sa akin dahil binatang-binata pa ako. Pero may pitong taon po ang katandaan ko sa nagugustuhan kong si Dely na isa pang dalaginding sa edad na 16 years-old. Fourth year high school pa lang siya samantalang ako ay tapos na ng kolehiyo.

Natutuhan kong mahalin si Dely nang mag-tutor ako sa kanya sa computer at math. Alam kong mahal na mahal ko siya pero ang problema, hindi ko masabi sa kanya ang aking niloloob.

Hindi sa nadudungo ako kundi dahil sa baka mapagkamalan niyang sinasamantala ko ang pagiging malapit niya sa akin.

Hinihintay ko lang na tumuntong siya ng 18-anyos para ligawan siya. Pero ang tingin ko, hindi ko na mahihintay ang panahong iyon sa pangambang pulutin ako sa kangkungan dahil sa dami ng karibal kong mga kababata niya.

Gusto ko po sanang itanong kung hindi masamang ipagtapat ko sa kanya ang niloloob ko. Mayroon po kayang masasabi sa akin ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na siyang kumuha sa akin bilang tutor ng kanyang anak?

Hintay ko po ang inyong kasagutan.Ferdie


Dear Ferdie,


Hindi naman sa edad ang batayan ng pagiging husto na ng kaisipan ng isang babae. Mayroong mga babaeng lampas na sa 18 ang edad pero ang pag-iisip at disposisyon ay tulad ng batang 10 taong-gulang.

Ang tingin ko naman, wala namang masama kung ipaalam mo kay Dely ang damdamin mo. Hindi mo naman siya pipiliting ibigin ka kung ayaw niya.

Ihayag mo rin sa kanya na ayaw mo sanang daanin sa pagiging tutor niya o pagiging malakas sa kanya kung kaya nagtatapat ka ng layunin.

Makabubuting magpasakalye ka muna sa kanyang tatay para naman hindi ka kagalitan.

Good luck to you.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DEAR FERDIE

DR. LOVE

FERDIE

HINIHINTAY

HINTAY

IHAYAG

KONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with