^

Dr. Love

Ang mistress ng mister ko

-
Dear Dr. Love,

Noon pong una, hindi ko pinapansin ang mga patutsada ng mga kaibigan ng mister ko kapag nalalasing sila na mayroon daw magandang chiching si Eduardo.

Matagal na akong pinagsasabihan ng aking asawa na huwag papansinin ang mga pagbibiro ng kanyang mga barkada dahil talaga raw sinasadya nilang gawin ito para magalit ako dahil sa kanilang gripo, siya lang daw ang mayroong understanding na misis.

Subali’t dahil marahil sa intuition ng isang babae, kahit pilit kong iwinawaksi ang mga pasaring ng mga kaibigan ng mister ko, nagpasiya akong magsagawa ng sariling panunubok.

Malimit kong sundan si mister patungong opisina hanggang sa makalabas siya at malimit ay dumadaan muna siya sa isang kambingan na malapit sa kanilang office bago tuluyang umuwi ng bahay.

Subali’t minsan, pinalad kong matuklasan ang pinakalilihim na sikreto ni Eduardo.

Lumabas siya nang maaga sa kanyang tanggapan nang nagsosolo at hindi niya dinala ang kanyang sasakyan kundi sumakay siya ng taxi.

Sinundan ko siya at kitang-kita ng mga mata ko nang magtuloy siya sa isang apartment malapit sa Malate. Sinalubong siya ng yakap na isang buntis na babae, maganda at sa taya ko ay wala pang 25 ang edad.

Halos himatayin ako sa galit. Gusto ko siyang sugurin sa bahay na iyon at ipamukha sa babaeng iyon na wala siyang karapatang mang-agaw ng asawa nang may asawa.

Subali’t napigil ko ang aking sarili at nagpasiyang hintayin na lang makalabas ang asawa ko sa apartment na iyon halos mag-aalas siyete na ng gabi.

Parang natuklaw ng ahas ang asawa ko nang bumulaga ako mula sa isang katapat na tindahan nang makalabas niya ng bahay ng kanyang kerida. Hindi naman ako nag-eskandalo dahil wala siyang imik sa pagkakatuklas sa kanyang lihim.

Pinamili ko siya, subali’t ayaw naman niyang humiwalay sa akin para pumisan na sa kanyang mistress. Ang siste pa ng makapal na apog ng kabit niya, tawag ito nang tawag sa bahay na ako naman ang nakakasagot tuwina.

Alam kong hindi na siya sinisipot ni Eduardo. Dapat ko bang paniwalaan ang mga pangako niyang magpapakatino na siya para hindi masira ang aming pamilya?

Gumagalang,
Honey


Dear Honey,

Mahirap talaga ang kalagayan ng isang pamilya na ang isang ama ay nagloloko. Gayunman, alang-alang sa inyong mga anak at para sa ikatatahimik ng buhay mo, bakit hindi mo muna pagbigyan pa ng magandang pagkakataon ang iyong asawa? Ito naman ay kung kaya mo pa siyang mapatawad.

Sa susunod pang pagkakamali, saka mo na siya husgahan ng patapos.

Pag-usapan ninyong mabuti ang problemang ito dahil ang ikatlong tao sa inyong eksena ay mayroong dinadalang sanggol sa sinapupunan.

Inaasahan kong malulutas ninyo nang mapayapa ang inyong suliranin.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ASAWA

DEAR HONEY

DR. LOVE

EDUARDO

ISANG

NANG

SIYA

SUBALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with